Chapter Three

8 2 1
                                    


Levi's Pov

10:00 pm

Nandito ako ngayon sa silid ng kwarto ko. At sa wakas, tumigil narin ang mga sigawan sa labas.

I was again writing what happened today in a piece of a paper. Funny how everyday a piece of paper adds up to this bulletin. I could use another bulletin kasi konti nalang at mapupuno na ang current bulletin na ito.

Today, tristan and his friends hurt me and reminded me of ate..

-L

Naalala ko na naman ang lahat ng mga alala ko tungkol sa Ate ko. Dahil dun nagbago ang buong buhay ko. Everything changed because of that damn day.

I was not the only child of my parents. In fact, tatlo kami. And kung mapapansin niyo, ako lang mag-isa ang umuuwi sa bahay na ito.

My sister died 2 years ago.. she comitted suicide. Ang sabi nila ay dahil daw depressed si Ate kaya nagawa niyang kitilin ang sarili niyang buhay.

And ever since that day, everything was in horrible chaos. My dad started to be an asshole and my mom was always wasted. Spending her time drinking alone and worst, my older brother ran away.

Matagal na ring nawawala ang Kuya ko. It's been a year. Hindi na yata niya kinaya ang masalimuot na katotohanan dito sa bahay na ito.

And I was here.. left alone.

Students from St. Michael High commited suicide. Families of the suicide victims demanded for further investigations.

Napatawa nalang ako nang mabasa ko ang nakalagay sa nakapunit na dyaryo na pinaskil ko sa salamin ng study table ko.

Dumagdag pa ang mga kaibigan ko.. sila lang ang mga taong nanatili sa tabi ko nung wasak na wasak ako. Pero umalis din sila. Iniwan din nila ako.

I never got to say goodbye to them.. di man lang ako nakapagtanong kung bakit sila umalis? Ni wala man lang pasabi o sulat kung bakit.

Jenny, Thor, ate, bakit niyo ba ako iniwan mag-isa..?

Dahan-dahang tumutulo ang mga luha ko sa mga mata ko. I felt the same pain as I've felt before.

Sabay silang tatlo umalis sa buhay ko.. kahit ni isa, hindi manlang nag paalam na aalis sila.

Tinignan ko ang picture frame na may litrato naming tatlo. Si Jenny, Thor at ako na may mga malalapad na ngiti sa labi.

Kinunan pa ang litrato na yan nung nagkaroon ng retreat sa school namin. Masayang-masaya kami nun.

"Hoy Jenny! pag nahulog ka diyan lagot ka kay Mrs. Cheng!" sigaw ng nag-iisang lalaki sa tropa namin.

"Ano ka ba naman Thor! Matatakutin ka talaga! Ikaw pa naman ang lalaki sa atin!" sigaw pabalik ni Jenny na nakalambitin pa sa puno ng mangga.

"Levi, pag nahulog si Jenny at mabalian siya ng buto, lagot ako sa mga magulang niya." sabi naman ni Thor na yinuyugyog na ang mga braso ko.

"Naku! ikaw talaga thor! aminin mo nalang kaya! may gusto ka kay jenny no?" sabi ko sabay kiliti pa sa kanya.

"Baliw! ano ka ba levi!Kung ano-ano ang pinagsasabi mo dyan!"  sabi niya sabay tulak pa sa akin.

Napatawa nalang ako dahil sa namumula na ang pagmumukha nitong si Thor.

"ano ba yan! mukhang ako pa magiging thirdwheel sa inyo!" sabi ko.

"Hoy hoy hoy! Ano yang pinaguusapan niyo dyan! Di niyo na ako sinasali ah!"  tawag naman ni Jenny na kakababa lang sa puno.

"Hindi ah!" sabi namn ni thor

The Suicide NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon