Levi's Pov
"Well, Let's say you caught my attention, Levi."
I was a bit shocked sa sinabi niya.
"Don't get the wrong idea, Levi. I just want to be friends with you." sabi niya.
Be friends with me? Kung alam niya lang ay baka hindi na siya magbabalak na kausapin ako o miski na lapitan pa ako. And why am I disagreeing. Diba ito naman ang gusto ko dati? na magreach out?
"Do whatever you want.."
sabi ko sabay tayo at takbo.
I don't know but I somehow felt relieved and a little bit happy. Dalawang taon na siguro nung huli kong narinig ang katagang 'friends' kaya medyo kinabahan ako.
----
After Class
Kasalukuyan akong nandito sa sa isang burger shop. Dito ako nagtatrabaho para sa part-time job ko. Kasi kung may mga wasted kang parents, walang ibang susuporta sa sarili mo kundi ang sarili mo rin.
"Levi, maiwan muna kita dito kasi kukunin ko ang mga supply ng burger patty sa supplier natin. Ikaw na muna ang bahala dito."
bilin ng kasama ko na si Kuya John na nagtatrabaho din dito sa maliit na burger shop na ito
"Opo.." tipid kong sagot sa kanya. Kahit na sa mga katrabaho ko ay mailap din ako. Tahimik lang naman ako pag nandirito ako sa store na to. Bihira lang din akong pumasok dahil sa nag-aaral din ako.
Everyday naman ang sweldo ko kung papasok ako, pagkatapos din ng shift ay iibibigay din kaagad ang sweldo.
I was just watching the customers sitting on the chairs provided by the shop while flipping the patties I'm cooking. Nakapwesto ang store sa isang park bali maliit lang siya na stall tapos outdoor yung mga tables and chairs.
Nakatulala lang ako habang tinitignan yung mga tao na nag-uusap hanggang sa may bigla akong narinig na nagsalita.
"Kawawa naman yung patty, mukhang sunog na."
naagaw ng boses na yun ang pansin ko at lumingon ako kung saan yun nanggagaling.
Nakita ko naman si Euan na nakasandal sa may harap ng stall kung saan nagbabayad ang mga customer sa mga order nila. Nakangiti ito at mapapansin mo na bihis na bihis ang ayos.
"A-anong ginagawa mo dito?"
tanong ko pero hindi na siya nakasagot dahil napansin ko nga na nasusunog na yung niluluto kong patty.
Agad ko naman pinatay ang stove at tinggal ang patty matapos ay itinapon ito sa malapit na trash bin.
"Kung bakit kasi ang lalim-lalim ng iniisip mo at pati ang niluluto mo di muna napapansing nasusunog na pala."
sabi niya sa akin na may halo pang kaunting paghalakhak.
Hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya at hinayaan ko nalang siya na gawin niya ang gusto niya. Hindi ko rin alam kung pano ako makikipag interact sa kanya. I find it hard to do so. Baka umasta lang akong rude kagaya ng nangyari kanina sa canteen.
Bigla siyang tumawa na hindi ko naman alam kung bakit. Pati ang mga customer na nakaupo ay napatingin din sa gawi namin dahil sa lakas ng tawa ni Euan.
Ano ba ang ginagawa nito? Why is he doing this? May kailangan ba siya sa akin? I rapidly asked myself. I can't even read this guy's mind. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon.
Pagkatapos niyang tumawa ay tinignan niya ako.
"Hayyy nakakatawa ka talaga."
I eyed him with confusion. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit siya natatawa. I can't tell him that he's weird because he might backfire me with the same thing..
BINABASA MO ANG
The Suicide Note
Teen Fiction"Every life deserves to be lived" Ang pakiramdam na parang lahat ng bagay na nasa paligid mo ay kusa at unti-unting naglalaho at parang pati ang mundo ay sinukuan kana. Sa sobrang sakit na iyong nararamdaman ay nais mo nalang na maglaho na parang b...