CHAPTER 06

3.9K 67 2
                                    

"YOU okay?"

Napaangat ng tingin si King kay Governor Deo nang maramdaman niya ang mahinang pagtapik nito sa kanyang balikat.

Katatapos lang nila mag-meeting para sa mga kailangan gawin sa araw ng kapistahan ng Capogian Grande. Isa kasi siya sa mga benefactor at may kailangang gampanang tungkulin kaya ipinatawag siya ng gobernador para sa pagpupulong na iyon.

"Parang wala ka sa sarili kanina habang nagmi-meeting? Ni hindi ka man lang nagbigay ng kahit anong input. May problema ba ang constituent ko?" Nakangising sabi pa nito at sinabayan na siya nitong lumabas ng conference room.

Napangiti na lang si King dito at umiling. "I'm fine, Gov. Marami lang akong iniisip kaya hindi ako nakapag-participate sa meeting. Sorry for that."

Tumango si Deo sa kanya at nakangiting namulsa. "Let me guess. It's all about Mikaela Corpuz, right?"

Natigilan si King sa narinig at maang na napatingin kay Deo. Hindi niya alam kung paano nito nakilala si Mikaela at ano ang naging basehan nito para isipin na ang babae nga ang laman ng kanyang utak ngayon.

"I'm not the governor of Capogian Grande for nothing, King. Lalo na't magkaibigan naman tayo. I know what's happening even we don't see each other most of the time."

Napailing na lang si King sa sinabi nito. Yeah. The governor really knows the whereabouts of his constituents. Marami itong mga mata at tenga sa paligid kaya siguro hindi na kataka-taka na malaman nito iyon.

"Am I being followed?" Biro niya rito at nginisian ito.

"You bet," anito at gumanti ng ngisi. "Kidding aside, just a piece of advice, King..." Hinawakan siya nito sa balikat at seryosong tiningnan siya. "Cliché may it sounds but please don't let the past haunts you. Live for today. Live for tomorrow."

Natahimik siya sa sinabi ni Deo.

Sa totoo lang, kung ano man ang nangyari sa kanya noon ay hindi na siya masyadong naaapektuhan n'on. Hindi na niya madalas maisip iyon. At kung maalala man niya ay hindi na ganoon kasakit katulad ng dati. Pakiramdam niya ngayon ay sa wakas ay unti-unti na siyang nakaka-move forward sa pangyayaring iyon ng kanyang buhay. Thanks to that one special girl who made him realize that there's more to life than sulking and gritting pain.

Pero may problema. Pakiramdam niya ngayon ay nakabitin sa ere ang paghakbang niya dahil sa mga nalaman niya. Gulong-gulo siya ngayon. Well, hindi naman dapat pero hindi niya mapigilan ang sarili.

How twisted life can be, huh?



"'YUNG totoo, Miks? Anong ginawa mo kay 'insan?" Naniningkit ang mga matang tanong ni Christine kay Mikaela at pinameywangan pa siya.

Kumunot ng bahagya ang noo ni Mikaela. Bumakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Ha? Bakit anong nangyari sa pinsan mo?"

Bigla siyang sinuntok ng kaba. 'Di kaya may nangyaring masama kay King?

Nagkatinginan sina Christine at Harmony. Kapagkuwa'y sabay na humagalpak ang mga ito ng tawa. Nalilitong nagpalipat-lipat tuloy siya ng tingin sa dalawa.

"Uy! Ano bang sinasabi mo? May nangyari bang masama kay King?" Naguguluhang tanong niya muli kay Christine.

Nagpingkian ang hawak na mga baso ng dalawang kaibigan habang patuloy pa rin sa pagtawa. Dahil doon, ang kaba niya ay napalitan ng pagkainis. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng mga ito.

"One piña colada for a puzzled lady," anang nakangiting babae sa bar counter.

Kasalukuyan silang nasa Cagandahan Lounge nila Christine at Harmony. Nag-aya kasi si Christine kanina na pumunta sila roon. Mukhang may pinagdadaanan ito kaya nag-ayang uminom.

CG SERIES 5: KING OF MY HEART (PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon