CHAPTER 10

4K 57 0
                                    

"MIKAELA!"

Mabilis na niyakap nang mahigpit ni Mikaela ang kapatid sa ama na si Apple nang pagbuksan niya ito ng gate.

Sa totoo lang ay nagulat siya nang tawagan siya nito kanina para sabihing nasa Capogian Grande ito. Nakakapagtaka kasi na umuwi ito ng Pilipinas lalo na't alam niyang busy ito sa pagiging resident doctor ngayon sa isang sikat na ospital sa New York.

Tinulungan niya ang kapatid na buhatin ang mga gamit nito at matapos ay pumasok na sila ng bahay.

"Bakit ka nga pala napauwi rito, ate? May nangyari ba?" Usisa niya rito nang makaupo sila sa sala.

Sumandal si Apple sa sofa at ipinikit ang mga mata. "I just need a vacation, Miks..."

"You should have told me sooner, ate. Pabalik na kami ni Harmony sa Manila this Saturday. Okay lang ba na maiwan ka rito?"

"Of course. Afterall, dito naman ako lumaki. Familiar pa rin naman ako sa lugar na ito kaya kahit naman ilang taon akong nawala rito ay hindi naman siguro ako maliligaw..."

Hindi maiwasan ni Mikaela na makaramdam ng pag-aalala sa kapatid. Habang tinititigan niya kasi ang mukha nito ay kababakasan iyon ng pagod at stress. Mukhang may mabigat itong problema kaya ito bumalik ng CG.

"Are you sure na okay ka lang, ate? May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong niya rito at naupo sa tabi nito. Hinawakan niya ang kamay nito at mataman itong tiningnan.

Pagod na ngumiti sa kanya si Apple at gumanti sa pagkakawak niya rito. Pinisil nito ang kanyang kamay. "I'm fine, Miks. Pagod lang."

Tinitigan niya muna uli itong mabuti at kapagkuwa'y bumuntong hininga.

Mukhang may pinagdadaanan nga ang kanyang kapatid ngunit wala pa itong balak sabihin iyon sa kanya. Sa ngayon ay hahayaan niya na lang muna ito at hihintayin niya na lang kung kailan handa na itong magkwento.

"Halika na. Kumain ka na muna, ate. Nagpaluto ako kay Manag Sol ng mga paborito mong Filipino dishes."

"Geez! Na-miss ko 'yan! Thanks, Miks." Nakangiting tumayo si Apple at sumunod sa kanya patungong komedor.

"Nasaan si Harmony?" Tanong nito nang mapansin na wala ang kanyang kaibigan.

"Ah. Nagpuntang mall. May binili lang. Pabalik na rin siguro iyon."

Tumango sa kanya ang kapatid at matapos ay hinila ang upuan para makaupo na. Papaupo na rin sana siya nang marinig niyang tumunog ang kanilang door bell.

"Si kamahalan na siguro 'yan," nakangiting sabi niya.

Nag-text kasi sa kanya si King kanina na dadaan muna ito sa bahay nila bago umuwi. Buong araw kasi silang hindi nagkita dahil naging abala ang lalaki sa trabaho habang siya naman ay naging abala sa pagtatapos ng kanyang ipinipinta. Sinabi rin nito sa kanya na may importante itong sasabihin sa kanya kaya ito pupunta sa kanila.

"Kamahalan?" Takang tanong ng ate niya.

"Ah. Boyfriend ko, ate. Papakilala ko siya sa'yo. Saglit lang.," aniya at kiming ngumiti rito.

"Oooh...may boyfriend na pala si Mikaela. Hindi man lang nagsasabi sa amin," anito sa kanya at may mapanuksong ngiti na tiningnan siya.

Namula ang pisngi niya sa sinabi nito at nakagat ang pang-ibabang labi. "He-he. Bago pa lang naman, ate. At sasabihin ko naman sa inyo."

"May I know the name of this guy? Ang lalaking nakasilo sa mailap na puso ni Mikaela Corpuz?"

"King, ate," sagot niya at nahihiyang ngumiti rito.

CG SERIES 5: KING OF MY HEART (PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon