Chapter 55

1K 22 0
                                    

"David" pareho kaming napalingon ni David kay Tito harry na malumanay na nakatingin kay David

"Hmm" seryosong nakatingin ito sa ama, nakaramdam ako na may seryosong pag uusapan ang mag ama kaya tumikhim ako

"ah alis na muna ako David, mag usap muna kayo ni Tito" paalam ko dito sabay sulyap pa kay tito

aalis na sana ako ng hinigpitan nya ang hawak sakin kaya napatigil ako ang nagtatakang tumingin sa kanya

"stay here" seryosong sabi nito sakin kaya nahihiya akong napatingin kay tito

"David seryoso ata ang pag-uusapan nyo kaya aalis na muna ako" mahinang sabi ko sa kanya

"I said stay here" seryoso at may diing sabi nito kaya wala na akong magawa

"Tito I'm so sorry" nahihiyang hinging paumanhin ko dito

"It's okay hija you can stay here" nakangiting sabi nito kaya napatango nalang ako at hinihintay kung ano ang sasabihin nito sa kanyang ama

"What do you want?" pinisil ko ang kamay nito dahil sa tono ng pagtanong nito sa ama hanggang ngayon ay hindi niya parin ito mapapatawad?

"sa Friday na ang anniversary ng mommy mo" panimula nito

"So?" walang galang na tanong nito kaya this time ay napatingin na talaga ako dito

"David umayos ka nga" bulong ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin bagkos ay hinigpitan nya pa lalo ang paghawak sakin

"Gusto kong sumaya ang mommy mo sa araw na iyon kaya hihilingin ko sana na kung pwede ay ibalik na muna natin ang dating tayo, yung masaya at hindi ganito" pakiusap nito, napasang-ayon naman ako sa isip ko sa sinabi ng ama nya.. gusto ko rin na maging maayos na silang pamilya yung dating sila na masaya at perpekto hindi yung ganito na parang wala lang sila sa isa't-isa

"why should I?" masungit na tanong nito sa ama

Aish! abnormal talaga ang lalaking to.. ama na nga nya ang nakikiusap nag-iinarte pa tss

"Please son, this is for your mom" pakiusap pa nito kay David akmang hahawakan na ni Tito si David ngunit umatras ito na para bang ayaw nyang mahawakan ng sariling ama kaya parehas kami ni tito na natigilan

"D-David" mahinang usal ko sa pangalan nito

"I can't" galit na sabi nito sa ama bago ako hinila papaalis, napatingin ako kay tito na nanlulumong nakatingin sa anak nyang paalis kaya nakaramdam ako ng awa dito dahil gusto lang naman nito ang maging masaya silang pamilya sa araw na iyon pero bakit hindi niya magawa iyon? ayaw nya ba na magkaayos sila? ganun ba katindi ang galit nya? ganun ba kahirap yun? or Mahal nya pa si Cathrina kaya hindi nya magawa iyon sa kanyang magulang

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon