Chapter 60

1.1K 23 0
                                    

~LYRA POV~

"Sis may bisita ka" nag-angat ako ng tingin kay ate.. nasa sala ako nanonood ng movie sa Laptop ko

"Sino?" tanong ko sa kanya, nagkibit balikat lang ito at umakyat na patungong kwarto kaya tumayo nalang ako at pinuntahan ang bisita ko daw

"Nico?" tawag ko sa pangalan nito ng makita ko itong nakatayo sa harap ng gate.. binuksan naman ng mga body guard ang Gate kaya sininyasan ko syang pumasok

"Hali ka pasok" nakangiting aya ko sa kanya bago pumasok sa loob saka naupo pabalik ng sofa

"Umupo ka nico" sabi ko sa kanya, umupo din naman sya

"ang laki ng mansyon nyo" nakangitong sabi nito habang inilibot ang paningin sa loob ng bahay namin

"Hmm anong nakain mo at bumisita ka?" tanong ko sa kanya habang nasa Laptop ang tingin ko

"Bored ako sa bahay kaya naisipan kong pumunta sayo.. Saturday ngayon kaya alam kong nandito ka sa bahay" sabi nito saka lumipat sa tabi ko at tinignan ang ginagawa ko

"ganun ba? Good timing karin dahil bored na bored din ako dito wala rin naman ang nga kaibigan ko dahil busy sa buhay nila" sabi ko sa kanya

"may kaibigan ka pala?" tanong nito sakin

"Oo naman, ano akala mo sakin? Loner?" mataray kong tanong sa kanya kaya napatawa sya

"Dyan ka muna kukuha lang ako ng pwede mong makain" sabi ko sa kanya.. alam ko narin kasi na mahilig talaga itong kumain

"Damihan mo" habol pa nito sakin napatawa naman ako sa takaw nitong kumain

pagkarating ko ng kusina ay naabotan ko si Nanay Celma na busy sa pagluluto.. kasambahay namin ito dito sa bahay Simula bata palang kami

"Oh hija may kailangan ka?" tanong nito sakin

"magpapahanda po sana ako ng pagkaing para sa matatakaw" sabi ko naman dito

"kailan kapa naging matakaw hija?" tanong nito sakin

"Hindi ho ako, yung bisita ko" sabi ko sa kanya

"may bisita ka pala.. sige ako ang bahala" nakangiting sabi nito sakin.. tumango lang ako at bumalik na sa pinag iwanan ko kay nico

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon