Chapter 22

1K 21 0
                                    

~LAINE POVE~

"Laine? Laine? Hoy!" napabalik ako sa huwesyo ng tinapik ako ni Sweetney

"O-oh?" wala sa sariling tanong ko dito

"Tulala ka e, Kanina ka pa namin kinakausap" sabi naman ni Sweetney na may pagtatanong sa mga mata nito

Ewan ko pero nawala ako sa sarili ng makita ko si Cathrina at David na nag uusap, Hindi ko marinig ang pinag usapan nila kaya umalis nalang ako at bumalik sa table namin habang maraming tanong na nabuo sa utak ko

Ano ang pinag-usapan nila? Bakit nakikita ko sa mga mata ni David na Mahal niya pa ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Pagkukunwari lang naman ang meron samin ni David e! pero bakit ako nasaktan ng makita ko silang nag uusap? Bakit sobrang kaba ang naramdaman ko ng makita ko silang nag uusap? Bakit? Bakit? Bakit ako nagkakaganito?

"S-sorry" mahinang bulong ko dito saka itinuon ang atensyon sa mga Couple na nagsasayaw sa Dance floor

"Ayun na pala si David oh, Kasama si Cathrina" mabilis pa sa alas kwatro ang paglingon ko dito

Masayang nag uusap si Cathrina at David?

Unti-unti silang lumapet dito sa Table namin kaya nag Iwas agad ako ng Tingin saka nagkunwaring hindi ko sila nakita, Ramdam ko naman ang mga titig ng buong barkada sakin na para bang inaalam nila kong ano ang mararamdaman ko pero ipinakita ko sa kanila na okay lang ako kaya pilit akong napangiti..

"Hi guys" bati ni Cathrina samin ng makalapet sila sa Table namin pero hindi ako lumingon at nag kunwaring busy sa pinanuod kong pagsayaw ng mga couple

"Hello Cathrina Long time no see" Bati naman ni ate chelsea kaya lumapet si Cathrina sa kanya tapos bumeso, nakikita ko sila dahil nasa harapan ko lang sila, napangiwi naman ako ng magtama ang paningin naming dalawa saka ito ngumiti

"Hi Laine" bati nito sakin, pilit akong napangiti at tumango dito.. ramdam ko  ang pag upo ni David sa upoan na inuupoan niya kanina sumunod naman dito si Cathrina saka ulit sila nag usap na para bang may ibang mundo ang mga ito.. hindi parin nawawala ang seryosong mukha nito pero makikita mo naman ang tuwa sa mga mata nito

"Guys CR lang ako" paalam ko sa kanila saka dire-diretsong umalis ni hindi man lang lumingon sa kanila

sa totoo lang ay gusto ko lang umalis sa lugar na yun at maghanap ng nakakagaang lugar dahil hindi ko kaya ang atmosphere namin doon.. feeling ko ay sasabog ako sa sobrang Lungkot na nararamdaman ko

Hindi ko alam kung nasaan na itong nilakad ko pero kusa akong dinala ng mga paa ko sa lugar na ito, mukha itong Parke dito sa loob ng village nila, umupo ako malapit sa Fountain saka tumingala sa langit, mukhang uulan ata..

"Pare chiks" napatingin ako sa apat na lalaking dumaan na mukhang lasing na lasing ang mga ito.. lumapet ang mga ito sakin kaya nakaramdam ako ng matinding kaba

"Miss mag isa kalang ba?" tanong ng isa pa into habang pagiwang-giwang na

Shit! Wag naman sana ngayon!

"W-wag kayong Lalapit" kinakabahang sabi ko sa kanila pero hindi ito natinag kaya nahawakan nila ako sa magkabilang kamay

"mga kuya wag po" halos mapaluha ako dahil sa kahigpitan ng hawak nila at hindi ako makawala.. Matinding Takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon, nanginginig ako habang nagpupumiglas sa hawak nila

"Miss wag ka nang magpumiglas pa" sabi naman ng isa habang hinawakan ako sa magkabilang pisnge ko

"K-kuya wag po, maawa kayo kuya please wag po" Hindi ko na kinaya ang takot ko kaya tumulo na talaga ang Luha ko sa sobrang takot, Hinaplos nila ang magkabilang braso saka hita ko.. Napahagulhol na talaga ako ng iyak ng halikan ako sa Leeg ng isang lalaki habang yung iba ay pinag papantasyahan ang katawan ko

"w-wag *sob* kuya please" hindi na halos ako makapag salita dahil sa pag-iyak ko

Patuloy parin ako sa pagpupumiglas habang umiiyak na naghahangad ng tulong sa kung sino man ang makakita sa nakakalaswang ginawa ng mga ito sakin.. talagang nawalan na ako ng lakas sa mga pinag gagawa nila! sobra akong nanghina ng hawakan na nila ang masisilang parte ng mga katawan ko

*Wang* *Wang*

agad na napabitaw ang mga ito sa pagkakahawak sakin saka nagtatakbo ng marinig sa sirena ng napadaang mga pulis at dahil sa nawalan ako ng lakas ay agad akong napaupo habang hawak hawak ang sarili ko, umiiyak lang ako dahil sa sobrang takot at sa kabastosang ginawa sakin ng mga lalaking iyon.. iyak lang ako ng iyak nang maramdaman ko ang pag patak ng ulan! hindi ako makatayo dahil nanginginig ang buong katawan ko, pumipiyok na ang boses ko, nakisabay ang mga buhos ng Luha ko sa pagbuhos ng malakas na ulan.. Basang-basa na ako

Gusto ko ng bumalik pero nanghihina ako at nanginginig kaya hindi ko kayang tumayo

"Tulong! Tulong!" sigaw ko sa utak ko habang naghahangad na may makakita sakin

D-david please... puntahan mo ako please T^T Lyra? Ate Chelsea? Guys puntahan nyo ako! sigaw ko sa isip ko dahil hindi ako makapagsalita, hindi ako makasigaw

"Shit" agad akong napatingin sa lalaking Dumating

"C-carl" nanginginig na sambito ko dito, Lumapet naman ito sakin na para bang hindi mapakali sa nakikita niya sakin kung napaano ako ngayon, Mas lalo akong napahagulhol ng maramdaman ang yakap nito sakin kaya napayakap din ako ng mahigpit

"C-carl wag mo akong iwang please, Natatakot ako" pagmamakaawa ko dito habang higpit na higpit ang pagkakayakap ko dito dahil sa sobrang takot na naramdaman ko

"Shhh Laine, Tara dun tayo sa kotse, Basang-basa na tayo" Hindi mapakaling sabi nito.. inalalayan niya akong tumayo pero dahil sa panginginig ko ay agad na bumigay ang mga tuhod ko, iyak parin ako ng iyak! Nasasaktan ako, Natatakot ako! Nanginginig ako! Kinakabahan ako!

"Shit!" napamura si Carl dahil sa nakita niya kung gano ako nanghihina, Binuhat niya ako at patakbong tinungo ang sasakyan niya, Pinaupo nya agad ako sa Back seat ng kotse niya ng makapasok kaming dalawa.. parehas kaming basang-basa sa ulan

"Anong nangyari sayo Laine? Hey! tahan na! sabihin mo sino ang gumawa sayo nito" galit nitong tanong sakin pero hindi ako makasagot dahil Panay ang paghikbi ko hanggang sa makaramdam ako ng Pagkahilo at pangangalay ng katawan saka bigla itong nagdilim

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon