Chapter 5

1.2K 30 0
                                    

~LYRA POV~

Pagkalabas ko ng Canteen ay tuloy-tuloy lang ang lakad ko, Hindi ko muna kayang makipag-usap sa kanya dahil nasasaktan parin ako

Oo mahal ko siya, Mahal na mahal to the point na kahit ilang ulit nya akong saktan ay hindi ko parin sya maiwan-iwan.. Ang sakit isipin na minahal ko siya ng Buong-buo pero sinasaktan nya parin ako, Alam ko! Oo alam ko na palihim siyang gumagawa ng paraan para makipag kita sa mga babae niya, sinusundan ko sila hanggang matapos ang pagsasama nila, Nasasaktan ako pero Bakit hindi ko parin siya kayang iwan? ganito ba ako kamanhid?

Tumingala ako sa Langit upang mapigilan ang pag tulo ng Luha ko ng may biglang humigit sa kamay ko kaya napatingin ako dito

B-blue.

"Babe? ano ba nangyayari sayo?" may pag-aalala sa tono ng boses nito

Sana, sana totoo itong lahat na ipinapakita mo Blue! Tatlong taon na kitang nobyo pero hindi mo parin naibabalik ang tiwalang naiwala mo.. Kahit ngayon lang Blue magsabi ka ng Totoo, ayaw ko marinig ng kasinungalinan mo kaya please sabihin mong mahal mo ako

"M-mahal mo ba ako?" naiiyak na tanong ko sa kanya, natigilan naman ito at napatitig sa akin

"Mahal mo ba ako Blue?" ulit kong tanong sa kanya pero imbes na sagotin nya ako ay bigla nya akong hinila at niyakap sabay halik pa sa noo ko kaya hindi ko na mapigilan at napaiyak na talaga ako

"Mahal kita Lyra" bulong nito, Napahagulhol ako hindi dahil sa sobrang saya ko kundi dahil sa hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko

Matutuwa ba ako o matatakot dahil baka isa na naman ito sa mga kasinungalingan niya

"Shhhh I'm sorry Please stop crying.. I love you Babe" napahigpit ang yakap ko sakanya, wala akong pakialam kong marami ang makakakita dahil nasa hallway pa kami patungong Canteen, wala akong pakialam, mabuti na ang ganito para maisampal ko sa mga babaeng umaaligid sa boyfriend ko na ako ang nagmamay-ari sa lalaking ito, Ang lalaking mahal na mahal ko

"B-babe bumawi ka" bulong ko dito saka umalis sa yakap nya at deretsong tinignan ito sa mga mata

"O-oo babawi ako, gusto mo ngayon na?" napangiti ako sa tanong niya kaya tumango ako

Sana masaya ang araw nato para satin Blue, sana ito na ang huling beses na sasaktan mo ako, alam kong manhid at tanga ako pero hindi ko lang talaga kaya ang mawala ka sa akin! ganun kita kamahal at handa akong magpaka Tanga sayo

"Ite-text ko muna si Laine" sabi ko dito at itenext agad si Laine

To: My Bessy

Laine? hindi ako makakapasok may lakad kami ni Blue, Ingat muah :*

pagkatapos ko siyang itext at agad kong ibinalik sa Bag ko ang cellphone, hinawakan naman nya ang kamay ko

"ako na ang magdadala ng gamit mo babe" sabi niya kaya nakangiti akong ibinigay sa kanya, medyo natawa ako dito dahil ang Cute niya sa Signature bag ko

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon