Chapter 13

1.1K 21 0
                                    

Gabi na pero nandito parin ako sa gilid ng daan malayo pa sa mansyon.. hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa sasakyan ko dahil wala akong alam dito

kanina pa tapos ang klase ko at excited akong umuwi dahil nakauwi na sila nanay at ang mag-asawang parker pero hito ako ngayon at nakatanga lang dahil naflat yung gulong at Lowbat na ako kaya hindi ako makakatawag sa mansyon Hindi ko rin dala ang charger ko kaya Luging-Lugi ako, hindi ko naman pwedeng iwan ito dito dahil masyado kong mahal ang sasakyan ko para iwan ito dito at Baka macarnap into l

nasa gilid lang ako ng sasakyan habang tinitignan ang mga sasakyang dumadaan, unti-unti ng nagiging tahimik ang daan dahil madalang nalang ang dumadaan, napatingin naman ako sa relo ko and it's 9 o'clock already

napapikit ako dahil sa ilaw ng kotseng huminto sa likod ng kotse ko.. pagkamulat ko ay nakita ko ang isang lalaki na nakauniform ng kaparehas namin, hindi ko pa maaninag ang mukha nito dahil nasa madilim na parte kami

"Miss?" tawag nito sakin, medyo nakaramdam ako ng takot

Sino bang hindi matatakot kung nasa ganitong sitwasyon ka at nasa madilim na parte pa naman kami, unti-unti itong lumapit sakin hanggang maaninag ko ito.. pero napalitan ito ng paglaki ng mata dahil sa gulat, gulat dahil hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko sa ganitong pagkakataon

Manuel Perez! ang lalaking naikasal sa babaeng bumiyak ng puso ni David

"a-ahh" hindi mapakaling ani ko

Lumapit ito sakin kaya unti-unti akong napaatras.. kung nandito na si Manuel ibig sabihin nandito narin si Cathrina Ventura

Bat parang nakaramdam ako ng sakit? bat parang nakaramdam ako ng Kaba? bat parang ayaw kong magkita si David at ang babaeng minahal nito? Bakit?

"Miss wag kang matakot, I'm just here dahil tatlong beses na kitang nadaanan dito at hindi ka parin nakaalis kaya naisip ko na baka may problema sa kotse mo kaya huminto ako" paliwanag nito sakin

Ewan ko pero may SAYA at TAKOT ang nararamdaman ko ngayon... saya dahil may makakatulong sakin upang maiayos ang gulong ng kotse ko at Takot dahil baka sakaling magkita si Cathrina at David

ano kaya ang magiging reaksyon ni David? Mahal niya pa kaya ito? Teka! Teka! Laine ano namang paki mo? wala kang paki okay? manahinik ka!

"Miss?" napabalik ako sa huwesyo sa muling pagtawag nito sakin

"A-ahh yung gulong kasi" nasabi ko nalang sabay turo sa gulong kong nabutasan.. tinignan niya naman ito at linapitan bago tumingin sakin

"Maaari ba kitang tulongan?" tanong nito sakin

"O-oo naman, Please" sabi ko dito kaya tumango ito at ngumiti

"May extrang gulong kaba?" tanong nito sakin kaya tumango ako at itinuro ang Compartment.. itinaas nya muna ang sleeve niya bago kinuha ang gulong saka inilagay sa gilid kotse sa parte ng nabutasan saka tumayo at pumunta sa kotse niya at may kinuhang Tool box tapos ay pinaandar ang sasakyan para magkailaw saka sinimulan

napatitig ako dito at ngayon ko lang napansin ang maamong mukha nito at may angking kagwapohan din ito

*Dub Dub* *Dub Dub*

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon