Chapter 56

1K 20 0
                                    

~LYRA POV~

ang hirap maging loner ngayong araw na ito, walang pasok kaya walang Yazzy suzzy at Laine na kasama ko, walang Team na makulit.. bakit ba kasi walang pasok ngayon yan tuloy loner ako dito sa bahay

naisipan kong bumaba baka sakaling nakarating na sila ate scarlet para may makausap man lang ako ngunit pagbaba ko ay ingay lang ng mga yapak ko ang naririnig ko, napasimangot ako at matamlay na bumalik sa kwarto ko

ano kaya ang pwede kong gawin para may magawa man lang ako sa araw na ito? Hmm tawagan ko kaya si Laine? baka busy sya kay David, si Yazzy at Suzzy? busy din ata kay timothy at miguel

Scroll up at Scroll down lang ang ginagawa ko sa Contacts ng phone ko ng mapadako ang atensyon ko sa pangalan ng isang taong pinipilit kong kalimutan ngayon.. namumuo na naman ang mga luha kong pinipilit kong itago ng mga ilang araw dahil gusto kong ipakita sa lahat na okay na ako at naka move on na, ayaw ko mag mukhang kawawa sa mga kaibigan ko

hanggang ngayon ay masakit parin para sakin ang biglaang pagkawala nito at hindi na muling nagpakita pa, ansakit parin isipin e dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin at hindi ko alam kung saan ako hahanap ng sagot sa mga tanong na nanatiling nakalambitin sa mga utak ko

Blue? asan ka naba? ano ang nangyari sayo? sino ang kasama mo? bakit mo ako iniwan na ganito? hindi mo naba ako mahal? nakalimotan mo na ba ako? wala naba talaga ako para sayo? wala ka nabang paki sakin? Gosh! nakakalito na talaga!

pinunasan ko ang luha ko at tumayo.. siguro ay gagala nalang akong mag isa or maglilibot dito sa village para naman makalimotan ko muna sya at mailibang ko ang sarili ko sa mga tanawing hindi ko pa nakikita

pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba at lumabas ng bahay hindi ko dinala ang bagong bili na sasakyan ko para mas maenjoy ko ang paligid

"Hi" mabilis akong napalingon sa likod ko ng may biglang nagsalita mula dito

O_O

Natulala ako ng makita ang lalaki na nakangiting nakatingin sakin.. Gosh!

"H-hello" nauutal pang bati ko pabalik dito, mas lalong naningkit ang mga mata nito ng ngumiti ito lalo

ang cute nya grabe para itong Character ng anime na love story dahil sobrang cute at gwapo, Gosh! makalaglag panty ang lolo nyo beshy yieeeeeeeee

"Are you alone?" nakangiting tanong nito sakin

"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" pabirong sabi ko sa kanya, napatawa naman ito ng mahina yieeee sobrang Pormal nito at halatang mayaman

"you're funny, anyways I'm Nico, Nico Tui and you are?" pakilala nito sakin

"Lyra zinne Thompson" nakangiting pakilala ko din sa kanya

"Saan ka pupunta zinne?" tanong nito, napangiwi naman ako sa pagtawag nito sa Second name ko dahil hindi ako sanay na tawagin sa second name ko

"Just exploring and you can call me Lyra or Ly, my friends used to call me that" sabi ko sa kanya

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon