Chapter 53

1K 23 0
                                    

~LAINE POV~

isang linggo na ang nakalipas simula nong maging kami ni David, medyo nasasanay narin ako sa kanya, hindi rin naman kasi ako ganun nahihirapang mag adjust dahil kilala at kabisado ko ang ugali nito

"Can I cuddle?" malambing nitong tanong sakin kahit nasa harap kami ng maraming tao dito sa Canteen, Lunch break na kaya maraming tao ngayon lalo na at marami paring matang nakamasid saming dalawa

"David nakakahiya" bulong ko dito habang nakayuko dahil ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko

"not proud ha?" sarkastikong tanong nito kaya napaangat ako ng tingin sa kanya, tinignan ko ito mata sa mata

"David hindi naman sa ganun, andami lang kasing taong nasa paligid natin" paliwanag ko dito

"OK" matigas ngunit may diing sagot nito sakin saka humarap sa mga kasama naming busy sa pag-uusap

Gosh! simula nung maging kami ni David talagang madalas na talaga ang tampuhan namin pero nagkakaayos din naman agad

"David" mahinang tawag ko sa pangalan nito, sumulyap lang ito sakin ngunit ibinalik rin ang tingin sa mga kasama namin, napasimangot ako dito

nakakainis talaga minsan ito e, pinapairal na naman ang matampuhing ugali nito basta hindi nabibigay ang gusto mo

"Bess ang haba na nang nguso mo" sinamaan ko ng tingin si Lyra dahil sa pang-aasar nito

"Manahimik ka nga" sabi ko dito ngunit ay syempre kaibigan ko nga diba kaya ito tinawanan lang ako kaya umirap din ako dito at napasulyap kay David na nakikinig parin sa mga kasama namin

"David" tawag ko ulit sa pangalan nito ngunit ay ganun parin ito kaya nakaramdam narin ako ng inis dito

tumayo ako at diretsong lumabas ng Canteen na walang lingon-lingon sa kanila kahit tinatawag na nila ang pangalan ko

nagtuloy-tuloy lang ako ng lakad dahil plano kong dumiretso na sa Classroom, naramdaman ko naman ang pagsunod sakin ni Lyra, Yazzy at Suzzy

"Hoy Laine!" sigaw nito sa pangalan ko kaya napalingon ako sa kanila

"Ano?" tanong ko sa kanila.. sabay-sabay namang nag-irap sakin ang mga loka

"Hanep ka bess! kanina ka pa namin tinatawag" reklamo agad ni Lyra

"Kapagod" reklamo din ni Suzzy

"Tara na" aya ko nalang sa kanila tapos ay tumalikod at nauna ng maglakad

"Kita mo to, ang sungit" hindi ko nalang pinansin ang pahabol pang sabi ni Lyra at nagtuloy-tuloy lang ng lakad hanggang sa makarating kami ng Classroom

nag-uusap lang silang tatlo habang ako ay tahimik lang dahil nawalan talaga ako ng gana

Discuss...

Discuss...

Discuss...

Discuss...

FALL FOR ME MR. PARKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon