..
"Nakita n'yo ba ang mukha ng mga tao kanina? Priceless!" nasa kauna-unahan namin si Taehyung pero nakaharap siya sa'min at naglalakad patalikod.
"Oonga eh. Sayang talaga at nahuli tayo.." pasimpleng tumingin sa'kin si Hoseok para ipaalam siguro sa'kin na pinaparinggan niya ako. "Pero ang astig ni Namjoon! Nag-kape pa!"
"Si Namjoon lang?" react ni Jin na naging blangko ang mukha.
"Siyempre ikaw rin! HAHAHA!"
Ang ingay namin sa hallway. Este, sila lang pala. Mabait kasi ako.
Sa nga pala. Kung iniisip n'yong mga estudyanteng spoiled kami, na nagagawa ang lahat ng gusto naming gawin dito sa Big Hit Academy (our school obviously) at nagkaroon pa kami ng private room. Pwes--hindi kayo nagkakamali. Thanks sa kapangyarihan ng mga parents namin at nararanasan namin 'to.
Hindi ko alam kung saan nanggaling pero ang tawag ng karamihan sa grupo namin ay 'Bangtan'. Itinatrato kami ditong mga prinsipe--oh scratch that.. Hari!
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko at agad na humiga sa sofa ng makarating na kami sa Cypher Room.
Dito agad kami tumatambay 'pag walang klase, magka-cutting, break time, lunch and etc.
Napabuntong-hininga at naupo naman si Seokjin sa kabilang sofa na katapat lang nung akin. "Tsk. Pabibo kasi 'yang si Choi Minhyuk!"
Wala akong pakialam sa pangalan pero hindi na lang ako nagsalita.
"Hampaslupa na 'yon.." lumalamon na siya ng potato chips ngayon na hindi ko alam kung saan nanggaling. Mukhang wala rin siyang balak mamigay. "Alam n'yo bang tinakid niya ako? Sinasadya pa hah! Alam ko namang maala-anghel ang mukha ko kaya inakala niya sigurong hindi ko kayang lumaban,"
Umakto kaming naduwal nina V dahil sa 'anghel part' pero hindi niya kami pinansin at nagpatuloy lang. "But.. Sorry not sorry. He messed with the wrong person. Nakakainis na, kaya sinapak ko na ng matauhan.. Sinabihan niya pa ako ng pangit kaya hinding-hindi ko 'yon matatanggap!"
Pftt-
"HAHAHAHAHAHAHA!"
Nagtawanan kami dito maliban dun sa nagkukwento. Napabangon pa ako paupo para pumalakpak sa kakatawa at humampas sa sandalan ng sofa.
"Bakit mo naman sinapak? Tama naman 'yon ah?" lalong lumakas ang tawanan ng sabihin 'yon ni Hoseok kaya sinabuyan siya ng potato chips ni Jin.
"Pakyu! Shut up, Unicorn!"
Masasabing ginawa na naming sariling kaharian ang Big Hit Academy simula pa lang nung naging estudyante kami rito. At dahil nga nagagawa namin ang halos lahat ng gusto namin nang walang pumupigil, kinatatakutan kami. Oras na may magtangkang kumalaban sa'min, lagot ang taong 'yon.
Katulad na lang nung asungot kanina, buti nga na-expel lang siya eh.
Pasalamat siya at huli na kaming dumating..
●●●
BINABASA MO ANG
Zemblanity || YoonMin [REVISING]
Fanfiction❝Sana.. hindi ko na lang inalam.❞ Min Yoongi x Park Jimin [TAGALOG] BXB High School AU By: @yoonmocchi -- 12/24/17