Next day.
..
......
*facepalms*
Fuck it. I'll do it myself.
Ayaw akong tulungan ni Mighty T sa evil plan ko. Hindi na siya ang favorite kong Super Hero. Ang damot niya! Makipag-best friend na siya dun sa mukhang multo na 'yon!
JK. Hindi naman ako galit sa kanya. Akala niya lang lol.. Sarap kasing pagtripan.
"Hoooy.. Pandak. Notice meee. Kahapon ka pa." kinulbit ako ni Taehyung pero hindi ko siya pinapansin.
Ayos na sana eh.. May 'pandak' lang. Bahala siya.
May klase pa kami pero ang ingay-ingay niya rito sa tabi ko. Upakan ko kaya siya para tumigil? Nanggugulo pa ang bugok na 'to eh nag-iisip na nga ako ng magandang gawin para mapaalis 'yang si Min Yoongi.
Pota nga eh. Totoong nasa unahan ko lang 'yong tukmol na multo. Hayun! Natutulog!
........
Ah.. Mag-se-search na lang pala ako sa internet para masagot ang katanungan ko.
Mabilis pa kay Flash na kinuha ko ang phone ko, pumunta sa naver at nag-type sa search bar ng: 'How to get rid of someone you don't like...'
Ayan! Ang daming lumabas! Nagbasa lang ako ng nagbasa ng nagbasa hanggang sa matapos ang klase.
..
Pero wala naman akong nabasang matino sa mga suggestion dun! Nag-aksaya lang ako ng oras.
Tiningnan ko ang relo ko at YEESSS! Lunch na pala. Tamang-tama.. Gutom na ang abs ko este ang halimaw sa tiyan ko.
Dahil wala na ang teacher. Nagsimula nang mag-ingay at magsilabasan para kumain ang mga kaklase namin.
"Jimin namaaaannn!"
Tch.
Nilingon ko si V na nagliligalig pa rin dahil nakakaawa na. "Ano ba?"
"Hoooy!" binatukan ako bigla ni Jin at dinamay niya rin si Taehyung. Bakit ba lagi na lang siyang namamatok?! "Nag-away ba kayo? Gusto n'yong pag-untugin ko kayo? Kanina pa kong naririndi kay V! Umungot na ng umungot. Parang pusang gustong makipag-ano."
"Hindi kami nag-away!" napahawak ako dun sa part na parang nagkabukol na sa sakit. Bugbog sarado talaga kami sa lalaking 'to. "Nanggugulo kasi siya kaya hindi ko pinapansin.."
Gulat na tiningnan naman ako ni Mighty T.
"Talaga? Hindi tayo magka-away? Bati na tayo? YIPEEE!" nagtatalon pa siya at inikot-ikutan ako. Abno ampota! Bakit ko nga ba siya kaibigan?
BINABASA MO ANG
Zemblanity || YoonMin [REVISING]
Fanfiction❝Sana.. hindi ko na lang inalam.❞ Min Yoongi x Park Jimin [TAGALOG] BXB High School AU By: @yoonmocchi -- 12/24/17