..
"MULTO KA BA?!"
Napako na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko nang hindi siya sumagot sa simpleng tanong na 'yon. Namumuo na rin ang pawis sa noo ko. Hindi ako makagalaw..
"P-Patawad." nanginginig na ako ngayon pero nagpapasalamat akong nakakapagsalita pa ako. Pakshet! Ano nang mangyayari sa'kin?! "H-Hindi ko sinasadyang gambalain ka."
Mas lalo akong natakot ng dahan-dahan siyang tumayo! Hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa'kin. Tangena! Mama!! HELP!
"Sorry! Sorry! Maawa ka!" umiiling-iling at nagawa ko nang umurong.
Nagsimula siyang maglakad papalapit! At kahit na mabagal 'yon ay mas lalo akong nataranta.
"Wag mo akong papatayin!" nasagi ko pa ang sofa dahil hindi ko naman nakikita ang inuurungan ko!
Hindi pa rin siya nagsasalita at patuloy lang sa paglapit.
Puta.
Okay.
Run.
"AAAAHHHHHHH!!!"
Sumisigaw na nagtatakbo ako palabas! Nabitawan ko pa backpack ko pero hindi ko na 'yon binalikan!
Shit! Shit! Shit! Multo nga! Hindi ko sinasadyang gambalain at marinig ang tinutugtog niya! Mamalasin na ba ako habang buhay?! O matitigok?! Please help!
Paliko na ako ng pasilyo ng bigla akong mabangga sa kung sino man. Napa-upo tuloy ako sa sahig dahil sa malakas na impact. Puta talaga! Bakit ba napakamalas ko?!
"Jimin?!"
Napatingala ako at napanatag nang makita ang mukha ni Namjoon. Nasa likuran niya si Jungkook na nakataas pa ang kanang kilay na nakatingin sa'kin.
"Anong nangyayari sa'yo? Mukha kang ginahasang butiki.." inilahad ni Namjoon na ang kamay sa'kin. Tinanggap ko naman agad 'yon saka niya ako tinulungang tumayo.
"A-A-Ano kasi.."
"Mag-i-skip ka rin ba ng klase?" ngumiti si Jungkook at inexpose naman ang bunny teeth niya. "Halika. Sabay ka na sa'min papunta sa Cypher--"
"Wag ka'yong pupunta dun!" hindi ko na siya pinatapos magsalita at mabilis na umiling-iling. "Wag! Wag! Waaaag!"
Nagpakita sila ng gulat na ekspresyon at nagkatinginan.
........
BINABASA MO ANG
Zemblanity || YoonMin [REVISING]
Fanfic❝Sana.. hindi ko na lang inalam.❞ Min Yoongi x Park Jimin [TAGALOG] BXB High School AU By: @yoonmocchi -- 12/24/17