Cypher Room.
{JUNGKOOK's P.O.V}
Ako lang ba talaga ang nakakaalala?
Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko na masayang nag-aasaran at naglalaro ng billiards. Para silang mga batang walang muwang na nagtatawanan dun.
Tsk.
Nakalimutan ba nila? O nagpapanggap lang silang walang nangyari?
"Hoy! Koooook!"
Napatalon ako ng bahagya sa kinauupuan ko nung bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Taehyung.. Sobrang lapit pa ng mukha niya sa'kin!
"Bakit ba ang tahimik mo ngayon?" naka-pout na tinabihan niya ako rito sa sulok at tinitigan ako na parang kwago.
Shit. Layo..
Napalunok ako at iniiwas ang tingin sa kanya. Nakita ko kasi sa peripheral vision ko na nakatingin rin 'yong iba sa'min.
Nakakainis.
A-akto na lang ako na parang walang nangyari.. Hindi ko na dapat 'pang pakaisipin 'yon. Tsk.
Sinubukan kong ngumiti at pabirong inirapan si Taehyung. Hindi sana obvious na peke.
"Inagaw mo kasi ang banana milk ko!"
Nagsitawanan ang ibang kumag dahil sa sinabi ko. Sabi na, nakikinig rin ang mga chismosong 'yon eh.
Napakurap-kurap tuloy si Tae. Kinabahan pa ako dahil baka hindi niya 'yon paniwalaan. Napaka-lame nga naman ng idinahilan ko.. Naloko na.
Ngunit napanatag ako ng marinig ang pag-tawa niya. GInaya niya rin ang pag-irap ko. "Para 'yon lang? Bibilhan pa kita ng sampo! Umayos ka na d'yan."
Naniwala talaga siya dun? Natawa ako at binigyan ng totoong ngiti dahil sa sinabi niya. "Okay! Sampo!"
Nakasimangot na tumayo na ulit siya at.. binelatan ako?! Wow. Sinamahan niya pa ng kung anu-anong weird na facial expression.
Napasimangot rin tuloy ako at ginaya siya. "Ulol! Banana milk pa rin!"
.........
Nung tinalikuran niya na ako para bumalik sa bilyaran, nun lang ulit ako muling nakahinga ng maluwag.
Tangina.
..
Bakit mukhang ako lang talaga ang nakakaalala?
Pero mas mabuti kung ganito na nga lang. Tama. Tama.
Hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba nagawa 'yon..
BINABASA MO ANG
Zemblanity || YoonMin [REVISING]
Fanfic❝Sana.. hindi ko na lang inalam.❞ Min Yoongi x Park Jimin [TAGALOG] BXB High School AU By: @yoonmocchi -- 12/24/17