..
Pagkakuha ko ng gamit sa locker, dumiretso na agad ako papuntang Cypher Room. Wala namang klase sa first period sabi ni Taehyung nung magka-chat kami kanina. Hindi ko na siya tinanong kung bakit dahil.. mahalaga pa ba 'yon? Ang mahalaga.. walang klase!
Nakapag isip-isip na ako kagabi.. At na-realize kong ang pabebe ko pala kahapon. Ew. Kakausapin ko na lang ang mga kaibigan ko as usual para kunwari wala akong naging problema. Nakakahiya kung malalaman pa nilang nagtampo ako sa kanila kahapon dahil sa Min Yoongi na 'yon.
Psh. Naalala ko na naman siya! Pangalan niya pa lang nag-iinis na ako!
"Good morning.." bati ko pagkabukas ng pinto.
But.. Natigilan ako ng makitang walang tao.
Maliban sa isang nilalang na nakaupo ngayon sa harap ng piano.
Fuck! Sa lahat ba naman ng nilalang?! (Hindi kasi siya tao..)
'Yong uninterested facial expression niya agad ang nakita ko nung lumingon siya at tinitigan pa ako ng mga ilang segundo bago tumugon. "Good morning din."
"Gago!" sinamaan ko ng tingin si Min Yoongi at padabog na naglakad papunta sa red sofa rito. "Di para sayo 'yon! Assuming.."
Feelingero letse.
Napatango-tango naman siya at iniba ang pwesto ng pagkaka-upo para humarap sa'kin.
"So.. sino ang binabati mo kung hindi ako?" tila nang-aasar na ngumiti siya na ikinagulat ko. "Yong multong nandidito?"
Hindi ko inaasahang sasagot siya ng gano'n. Ang akala ko rin ay permanent na ang poker-face niya. Nag-iiba rin pala siya ng facial expression.
Mas nakakaasar tuloy ang pagmumukha niya! Parang inaasar niya ako dahil sa nangyari kahapon na napagkamalan ko siyang multo!
"Si Hoseok kausap ko. Nand'yan siya. Nag-invisible lang.." papatalo ba naman ako? Nakapikit na humiga na ako sa sofa. "At wag mo akong kausapin. Hindi tayo close."
Matutulog na lang ako kaisa makipag-usap sa kanya.
"Bakit?" nagsalita na naman siya. "May sinabi ba 'kong close tayo?"
Napamulat ako sa narinig.
Gaguhan?
Ang bago-bago niya pa lang akala mo kung sino na?! Pasalamat nga siya at hindi ko siya pinalayas ng makita ko siyang nandidito pagkarating ko!
"Manahimik ka.." saad ko. Hindi ba't dapat mabait siya sa'kin? Matagal na ako sa barkada kumpara sa kanya. Pota ang angas ng isang 'to!
"Naiinis ka ba sa'kin dahil sa nangyari kahapon?" he continued.. still with that damn smirk plastered on his face. "Hindi ko naman kasalanan na natakot ka kahit wala naman akong ginagawa."
..............
Inhale. Exhale.
BINABASA MO ANG
Zemblanity || YoonMin [REVISING]
Fanfic❝Sana.. hindi ko na lang inalam.❞ Min Yoongi x Park Jimin [TAGALOG] BXB High School AU By: @yoonmocchi -- 12/24/17