🚗 9: screechhh.. 🚗

126 16 0
                                    

..

Nadatnan ko sa kusina si Min Yoongi na may suot nang itim na apron tsaka gloves. Mabuti naman at sinisimulan niya na ang parusa sa'min. Nagsuot na rin ako ng ganun at tumulong nang hindi nagsasalita sa tabihan niya..


Since inaalisan niya na ng dumi ang mga plato, ako na lang ang naging taga-sabon.

...then nung malinis niya na lahat ng plato, binanlawan niya naman ang mga nasabunan ko na.


Ang tahimik namin. Tanging 'yong tunog lang ng tubig na galing sa gripo at tunog ng mga nagtatamang plato ang maririnig dito. Wala kasing may balak magsalita.


.....?

Well

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Well. T-This is awkward.


Ayokong mag-start ng conversation. Ayoko naman talaga siya kausap. Atsaka, kaaway ang tingin namin sa isa't-isa! Hindi pa nga ako nakakaganti sa mga masasamang ginawa niya sa'kin eh! Kaasar!


Kung sabuyan ko kaya ng maduming tubig ang nilalang na 'to?

Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mga labi ko. Nice one, Jimin. Ang talino mo talaga. Magmumukha siyang basang sisiw at nakakatawa 'yon. Sasamahan ko na rin 'yon ng sabon para bumango naman siya kahit konti. Tamang-tama at mukhang kailangan niya na ng ligo katulad ng aming alagang Unicorn.


"Psh. Sinabunan mo ba talaga 'to?!" napahinto ako sa pag-iisip ng aking magandang plano nang magsalita siya habang pinapakita ang isang plato sa'kin. Huh? "Masebo pa. Ulitin mo."


Tapos isinama niya 'yon sa mga hindi ko pa nasasabunan. ABA'T ANAK NG--


"Anong masebo?!" napakunot ako at chineck 'yon. Tanda kong sinabunan ko 'to ng ayos! Pinagsasabi ng hayop na 'to? "Hindi naman! Pinaglololoko mo ba ako?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Then he shook his head slowly at itinuloy na ulit ang pagbabanlaw. "Bakit hindi mo na lang gawin? Ang dami mong arte."


Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Whoa.

"Excuse me, Min Yoongi?!" itinigil ko ang ginagawa at nakapamewang na hinarap siya. Nakakapota 'yon ah! "Sino ka para utusan ako?"


"Kasasabi mo lang nung pangalan ko tapos itatanong mo kung sino ako?" tumigil din siya sa ginagawa at hinarap ako ng naka-krus ang mga braso. Pinakita niya pa ang usual poker-face niya. "Pakisabon na rin pati utak mo."

Zemblanity || YoonMin [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon