"What is the meaning of serendipity?"
Tanong na lang ni Ms. Kim out of nowhere.
Pusa ano raw? Kahit kailan talaga 'tong English teacher namin kung anu-ano pinagtatatanong. Bahala siya d'yan. Gusto ko ng mag-gabi para party-party na.
Inilapat ko na ulit ang mukha ko sa desk para bumalik sa pagtulog.
"Wala ba talagang sasagot?" narinig kong nag-sigh siya kasunod ang tunog ng binubuklat na libro.
"It means, finding something beautiful without looking for it." siya rin naman pala ang sasagot. Nagtanong pa. "Kumbaga, maka-discover ng magagandang bagay na--"
"AHAAAAAA!"
Napatalon ako sa gulat at tumunghay ng may sumigaw. Si Seokjin lang pala, ampota! Lahat tuloy ng atensyon ng mga kaklase namin ay napunta sa kanya.
Ang lakas ng sigaw niya! Rinig na rinig ko dahil si Taehyung lang naman ang nasa pagitan namin. Sa kalikud-likuran kasi kami nakaupong tatlo. Katabi ko ang bintana, sunod si Tae, bago siya.
Problema nito?
"So for example Miss is.." nakahawak sa baba niya si Jin na para talagang nag-iisip. "Kunwari, hindi pa talaga tayo magkakilala. And then, nagkabungguan tayo sa daan! Nagkatitigan tayo at Wooosh~ Serendipity na natagpuan mo ako!"
Tumayo at nag-flying kiss pa ang loko. Watdaef?! Dinagdagan niya pa 'yon at ginawa sa iba't-ibang direksyon kaya napuno ng tilian dito sa loob ng classroom. Kinikilig sa kanya ang mga babae.
Pabida na naman siya. Kuko ko lang naman 'yang si Seokjin. Ba't sila kinikilig? At hindi ba nila nakita ang ginawa niya kanina sa cafeteria? *sighs*
Humalumbaba na lang ako at tumingin sa labas ng bintana dahil alam kong hindi na ako makakatulog sa ingay. Pakiusap. Patulugin n'yo ako para marami akong energy mamaya..
"Seokjin, pwede ba?!" inirapan siya ni Miss Kim. Malakas ang loob ni Miss na gawin 'yon dahil.. ugh. Di ko pala nasabi sa inyo na kapatid ni Namjoon ang teacher na 'to. Pero kung ibang teacher siguro 'yan ay nasugod na siya ni Jin. Ang taray niya rin kasi.
"But it's a miracle that you're listening. Nice." sabi pa niya. "So, Mr. Park Jimin and Mr. Kim Taehyung. Baka gusto n'yong gumaya kay Seokjin? Nagbabagong buhay na siya."
Nadamay pa ako? I shrugged na lang. Zero fucks naman ang binigay ni Tae na mukhang masarap pa rin ang tulog. Hindi man lang siya naaabala ng ingay. Kaso, tulo ang laway niya. Kadiri.
I mentally noted na lalayo agad sa kanya 'pag nagising siya.
Nag-explain pa si Ms. Kim ng tungkol sa word na serendipity na 'yon blah blah hanggang sa magtanong na naman siya ng panibago.
Uwi na tayooooo.. ㅠㅠ
BINABASA MO ANG
Zemblanity || YoonMin [REVISING]
Fanfiction❝Sana.. hindi ko na lang inalam.❞ Min Yoongi x Park Jimin [TAGALOG] BXB High School AU By: @yoonmocchi -- 12/24/17