Surreal!

13 1 1
                                    

"Rose!! Tulong!!"

At bigla na lang may sumalo sakin.....

"Salamat Rose!"

"Ann.... H-hindi ako yan"

"Ha? E sino?"

"H-hin-d-di a-ako m-mak-ka-pan------"

-----------

"Hindi ka nagkakamali Rose, ako to si John, buhay ako."

----------

"Teka Rose, totoo ba? Si John ba itong sumalo sakin?"

"Buksan mo ang mga mata mo Ann, si John nga!!!"

"Rose!!! Si John nga to! Pero hindi ako makapaniwala!"

"Maski ako Ann, hindi ko alam kung niloloko ba tayo ng mga mata natin!"

"Ano ba kayo? Ako nga to", sabay ngiti sa kanila.

Nahalata kong tumingin sakin si Ann kaya tinignan ko rin sya.

Namula ang kanyang mga pisngi at bigla na lang syang pumiglas sa pagkakasalo ko sa kanya na para bang nahihiya.

"J-john? I-ikaw na ba talaga y-yan?"

"Oo Ann, ako talaga ito!"

"Patunayan mo nga!"

"Aba, sinusubukan mo ba ko? Hahahaha! Diba meron kang nunal sa------"

"Okay na! Okay na! Wag mo na ituloy! Naniniwala na ko!"

"Ann, ano yung sinasabi ni John na may nunal ka sa ano? Di ko ata alam yun."

"Wag mo nang alamin Rose! Nakita nya kasi yun ng hindi sinasadya! Ano ba?! Nakakahiya na! Gusto ko ng umuwi!"

"John! Sama ka na samin! Dun ka muna kela Ann!"

"Nako, pasensya ngunit hindi pa ko makasasama sa inyo."

"Bakit naman hindi John? Namiss ka namin ni Rose!"

"Meron pa kasing ginagawang synchronization ang Time Power ko."

"Ahhh. Alam ko yan. Naiintindihan ko. Pero, kailan ka babalik?"

"Bukas na bukas!"

"Talaga?! Buti naman! Dun tayo kela Ann bukas ha!"

"Oo! Syangapala, kamusta ang mga magulang ko Ann?"

"Wag kang mag-alala John, hanggang ngayon wala silang naaalalang may anak silang John."

"Ha? E pano pagbumalik na ko? Edi hindi na nila ako kilala?!"

"Wala kang dapat isipin John, si Kuya Lolo na ang bahala dun!"

"Ah talaga? Sige. Pakisabi na rin kay Kuya Lolo na salamat, hindi na ko magtatagal ngayon, babalik na ko."

"Sige John, namiss ka talaga namin ni Rose!", sabay yakap sakin ni Ann.

"Namiss nyo nga ako. Hehehehe. Pasensya na kung naging pabaya ako. Bukas na bukas magdadaldalan tayo magdamag!"

"Aasahan namin yan John!"

"Sige, paalam!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Rose!"

"Ann?"

"Di ka parin makapaniwala ano?"

"Oo. Sobra! Maski ikaw siguro?"

"Oo, pero ineexpect ko itong mangyari."

"Bakit naman?"

"Ano ka ba Rose, isa si John sa mga Napili!"

"Oo ngapala."

"Tara Rose, uwi na tayo. Anlalim na ng gabi."

"Sige Ann. Inaantok na rin ako e."

~~~~~~~~~~

Talagang namiss ko si John ano? Hahahaha. Ewan ko ba! Wala lang kasi kaming kadaldalan ni Rose kaya ganun. Pero bukas meron na ulit! Nakakatuwa!

Pero hindi pa dapat kami magsaya dahil hanggat hindi nauubos ang pwersa ng Time Eater, dapat kaming mabahala.

Paggising ko 2: Ang Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon