Time World: Restoration

21 1 0
                                    

Going back to John's POV

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

John.. John..

Yan ang una kong narinig.

Para bang nasa kulob na lugar ako at umeecho nang umeecho ang boses na naririnig ko.

Hindi ko alam kung naaalimpungatan lang ako o totoo talaga to.

Ang tanging naaalala ko lang ay unti unting nawawala ang katawan ko at pagkatapos nun, wala na.

Maging panaginip ay wala akong maalala.

John!, sigaw nang isang babae.

Bigla akong nagising at napaupo sa kamang kinahihigaan ko.

Ako: Po?!, gulat kong tanong.

Pasensya ka na kung nagulat kita, wala na kasing oras.

A: Wala na pong oras?

John, ako ang iyong Time Power. Naaalala mo ba ang boses ko?

A: Ay opo!

Time Power: Ngayon tatanungin kita, ano ang huling naaalala mo?

A: Ang huli ko pong naalala ay patay na ko.

TP: Tama yun. Habang hinihigop ng device na hawak mo ang dugong Time Eater ng lolo mo, nadaplisan ka nito. At kung wala kang "defensive clothing", malubhang mapanganib ito, at yun nga ang nangyari sayo, nabura ka ng parang bula.

A: Opo, hindi ko rin po alam na mangyayari yun.

TP: Ngunit hindi ka naman namatay, kasama ko ang kaluluwa mo, kung kaya't ang tanging natira sayo ay ang kamay mo, at ang mga "Napili" lang ang may kakayahan nito. Maswerte ka't ikaw ang isa sa mga "Napili".

A: Salamat nga po, pero pano po ba bumalik ang aking katawan?

TP: Gusto mo ba talagang malaman?

A: Opo.

TP: Sinakripisyo ng mga magulang ni Jay ang kanilang buhay para buhayin kang muli, dahil, alam mo, sa mundong ito, ang mga Time Restorers lamang ang may kakayahang irestore ang mga "Napili" ngunit yun nga, kapalit nito ang buhay nila.

Nagulat ako sa narinig ko. Wala akong kibo.

Nagsimula akong mainis sa sarili ko.

Bakit kailangan pa nilang gawin yun. Ako naman ang nawala. Hindi sila.

TP: Alam ko ang iniisip mo John, wag kang magalit sa sarili mo, kagustuhan din nila yun.

A: Sandali lang po, bakit parehas po silang nawala? Nag-iisa na lang po ako.

TP: Mahina na sila, kaya hindi kakayanin kung isa lang sa kanila ang gagawa nito.

A: Bakit pa kasi kailangan nilang gawin yun. Parang ansarap gulpihin ng sarili ko!

TP: Huminahon ka, ginawa nila yun para sa kapayapaan, para sa mundo, para sa mga Time Defenders!

A: Pero bakit... bakit sakin pa nila isinakripisyo ang kanilang buhay? Wala naman akong silbi!

TP: Wag mong sabihin yan John, magiging isa ka ba sa mga "Napili" kung hindi ka karapatdapat, nakita nila ang katapangan mo. Wag mong sisihin ang sarili mo.

A: Hindi ko talaga matanggap....

TP: Tanggapin mo na lang, nandyan na yan, ang kailangan mong gawin ngayon, ay gamitin ng maayos ang pagkakataong binigay nila sayo. Isipin mo na lang na ibinigay nila ang buhay nila para sayo, para magawa mo ang mga dapat gawin, para maisalba mo lahat ng dapat maisalba, para matalo mo lahat nang dapat matalo. Wag mong sayangin ang pagkakataon na yan John. Dalawang buhay ang inialay, wag mo sanang sayangin.

A: Tama ka nga po. Hindi ko nga dapat sayangin. Kikilos na ko ngayon. Babalik na ko kela Ann!

Ipinikit ko ang mga mata ko at ginamit ang kapangyarihan ko upang makabalik kela Ann.

------------------------------------------------

A: Teka? Bakit walang nangyayari? Kelangan ko nang makabalik kela Ann.

TP: John, wag kang masyadong magmadali, hindi pa full restored ang katawan mo, maging ako ay hindi pa narerestore ng maayos.

A: E anong gagawin ko dito? Kailangan ko na silang tulungan!

TP: Huminahon ka sana, ang gagawin natin ngayon, mag eensayo. Araw araw tayong may ensayo. Makatutulong ito upang marestore ng mabilis ang abilidad mo.

A: Ngayon na! Gusto ko ngayon na tayo mag ensayo! Kelangan ko nang makabalik dun!

TP: Bukas tayo magsisimula John, sa ngayon, magpahinga ka muna.

A: Kailangan ko nang makabalik talaga dun! Parang awa mo na simulan na natin ngayon.

TP: Kumalma ka John.. Bukas na natin simulan ito. Magpahinga ka muna.

A: Tignan mo kayang kaya ko to!(Habang sinusubukang tumayo sa kama)

Ngunit hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Nahulog ako sa kama.

A: Aray! hindi ko maihakbang ang paa ko.

TP: Katulad nang sinabi ko John, bukas na tayo mag ensayo at hindi pa kaya ng katawan mo ngayon. Hayaan mo munang bumalik sa ayos ang katawan mo.

A: Pasensya na po, gusto ko lang tulungan ang mga kaibigan ko, ayaw ko sayangin ang dalawang buhay na nawala.

TP: Naiintindihan kita, wag kang mag-alala, dahil natalo mo ang isa sa mga Time Disruptors, medyo kumonti ang bilang ng Time Eater sa lugar nyo.

A: Salamat naman po kung ganun!

TP: Sige, magpahinga ka na muna at ako'y magpapahinga rin.

A: Sige po. Salamat.

Ann, Rose, Hintayin nyo ko, babalik ako, sama sama tayong lalaban. Para sa kapayapaan. Hintayin nyo ko mga kaibigan ko. Babalik ako...

Itutuloy...

Paggising ko 2: Ang Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon