One Day Left

12 1 0
                                    

Matapos kong makita ang naging improvement nila Ann. Nagdesisyon ako na bukas, ay magpapakita na ko sa kanila.

Dalawang araw na lang ako dito sa Time World at makababalik na ko ng tuluyan sa mundo. Namimiss ko na rin sila Ann, wala akong nakakausap dito sa Time World.

Sa pagkabagot ko, minabuti kong libutin ang Time World, tutal dalawang araw na lang din naman akong maparirito.

Habang naglilibot ako, ngayon ko lang narealize, ang ganda pala dito. Parang langit. Hindi dumidilim, ngunit hindi nakasisilaw at hindi mainit sa balat ang liwanag. Konti lang ang tao. Ngunit meron akong isang napansin habang naglalakad ako.

Paglingon ko sa kanan, puro gears, malalaking gears, umiikot sila ng mabagal. At pag tingala ko, may nakita akong isang higanteng wall clock na lumulutang sa ere. At paglingon ko naman sa kaliwa, may isang malaking hourglass, 1/4 pa lang ang nababawas sa itaas nito, para bang may hinihintay na oras ang nagset nito.

"Hindi ka dapat pumupunta dito sa lugar na ito!", boses ng babae

Nagulat ako at paglingon ko, ang Time Power ko lang pala.

"Pasensya po, hindi na mauulit."

Nakapagtataka, bakit parang galit sya?

Hinayaan ko na lang ito at naglibot sa ibang bahagi ng Time World.

Pagkatapos ng mahabahabang paglilibot, natulog na ko.

Hindi ko parin maalis sa isipan ko yung hourglass, nakapagtataka talaga.

Ngayon ko lang pala napagtanto, meron palang tinatawag na "The Chosen Instincts", yun yung nararamdaman ng mga Napili. At ang kutob na ito ay hindi dapat pinalalampas.

Ngunit, ngayon ay palalampasin ko 'to, dahil ang Time Power ko na mismo ang nagsabi na wala lang ito at di ko na dapat isipin yun.

Habang palalim nang palalim ang tulog ko, lalong tumatatak sa isip ko yung hourglass na yun! Pilit kong inaalis sa isip ko ngunit ayaw mawala. Mababaliw na ko kakaisip kung ano bang meron.

Maya maya'y nakatulog din ako....

Kinabukasan.

Bumalik ako sa mundo, ngunit hindi ko matagpuan sila Ann, kaya napag-isip isip ko na sa gabi na lang dumalaw, dahil naalala kong madalas kaming maglakadlakad pag gabi.

Namiss ko rin yung nakasanayan naming gawi na yun.

Panigurado, mahaba habang kwentuhan na naman pagbalik ko.

Kinagabihan, dumalaw na ako, at ayun, tama nga ako, nakita ko silang naglalakad lakad at nagkukwentuhan.

Eto ang huli kong pagsubok sa kanila, dito ko na talaga makikita kung nag improve ang power at teamwork nila.

Napansin na naman nila ang liwanag ko at naghanda, siguro napansin na rin nila yung mga nangyayari.

Ngunit kapansin pansin sa mukha nila na hindi na nila kayang lumaban dahil sa pagod.

Titignan ko pa rin kung anong gagawin nila.

Inilabas ko na ang apat ng Time Eaters, ngunit kaagad na nawala sa balanse si Ann at nakita kong matutumba na sya.

"Rose!! Tulong!!", sigaw ni Ann.

Paggising ko 2: Ang Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon