Pasyalan, Daldalan, Labanan.

32 1 0
                                    

Matapos nilang kumain ng meryenda, sinimulan na nila ang paglalakad, maggagabi na, yan ang pinakagusto nilang oras pag maglalakadlakad at magdadaldalan, hindi mainit, konti na lang ang nagdaraan sa kalye at tahimik.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ann: Rose!

Rose: Ano yun Ann? Galit ka ba? Hahahaha.

Ann: Hindi ah. Wala lang, kumusta na kaya si John? Nasan kaya sya ngayon?

Rose: Aba'y hindi ko alam! Hahaha. Teka lang Ann, napapansin kong bukambibig mo si John ah! May gusto ka sa kanya no?

Ann: Hui wala ah! Nakakamiss lang sya. Makulit din kasi yung taong yun e, naalala mo ba nung dating nagkukwentuhan din tayo sa labas, gabi rin noon e, tapos sobrang sakit ng tiyan natin kakatawa dahil ang kulit kulit nya! Hahahahaha.

Rose: Kung sabagay, oo nga, nakakamiss nga. Parang nabawasan nga ng saya ang buhay natin nung nawala sya.

Ann: Pero wala akong gusto sa kanya!

Rose: Oo na Ann! Bakit ang defensive mo? Hahahaha.

Ann: Wala, wala! Teka teka! Nakikita mo ba yun?

Rose: Ano yun?

Ann: Ayun oh! Liwanag! Ganyan na ganyan yung nakita ko noon!

Rose: Oo nga no! Ganyan na ganyan din yung nakita ko! Tara lapitan natin!

Ann: Teka! Baka mamaya may sumulpot na Time Eater!

Rose: Okay lang yan! Talagang nawiwirduhan na ko sa liwanag na yan e!

Ann: Ayoko! Natatakot ako!

Rose: Ano ka ba Ann! Time Defender tayo, dapat hindi tayo natatakot sa mga Time Eater.

Ann: Sige na nga(May halong kaba)

Hindi pa man sila nakakalapit biglang nawala ang liwanag.

Rose: Nasan na napunta?!

Ann: Ay! Ilaw lang pala ng motor yun Rose e! Hahahahaha.

Rose: Naloko tayo Ann! Di bale, atleast walang Time Eater.

Ann: Oo nga! Hahaha. Tuloy na natin yung kwentuhan!

Rose: Ann, alam mo ba kumpano ko nakuha yung kapangyarihan ko?

Ann: Oo nga Rose, hindi ko alam kumpano ka nagkaroon ng kapangyarihan.

Rose: Wala lang! Isang araw kasi, naglilinis ako ng classroom, ganun kasi ako lagi e, araw araw, kahit hindi ako isa sa mga "cleaners", naiiwan ako lagi at naglilinis. Ako lang ata ang gumagawa nun e. Tapos ayun, biglang may kumatok na babae sa kwarto, hindi ko sya kilala, hindi ko sya namumukhaan sa mga guro natin. Hindi ko talaga sya kilala kaya nagtaka ako, baka naliligaw sya. Nilapitan ko, tinanong ko sya kung anong kailangan nya, sabi nya ako raw.

Ann: O tapos?

Rose: Tapos ayun, nagtaka ako, ano naman ang kailangan nya sakin? Nagsimula akong kabahan kasi nga hindi ko naman sya kilala, tapos ayun, sabi nya, nakita nya raw na sobrang sipag ko, sobrang responsable ko raw, nakikita nya raw sakin ang mga karapat dapat na ugali ng isang Time Defender. Edi syempre nagtaka ako! Anong Time Defender ba ang pinagsasasabi nito?

Ann: Hahahaha. Oo nga naman.

Rose: Kinuha nya ang kamay ko at nakita kong lumiliwanag ang kamay nya, para syang may ipinapasa sakin na kapangyarihan, tapos nararamdaman kong dumadaloy ito sa aking katawan. Para bang minamasahe ako. Ganun! Pagkatapos nun, sinabi nya, ingatan mo ang kapangyarihan na yan, balang araw maiintindihan mo rin ang lahat, paalam Rose.

Ann: Ganun pala yun.

Rose: Tapos ayun, nagulat nga rin ako at kilala nya ako e. Simula nun nalaman ko na ang kapangyarihan ko. At yun nga, hindi ko alam kunsino ang nagdala sakin sayo, sayo ko nga nalaman ang lahat e.

Ann: Rose, meron ka ring hindi pa nalalaman tungkol sakin. Hahaha

Rose: Oh? Ano naman yun Ann?

Ann: Isa ako sa mga Naliwanagan o "Enlightened", ang mga Time Defender na bihirang dinadalaw ng kanilang kapangyarihan upang ipaliwanag lahat ng nangyayari! Ngunit hindi naman lahat ay nalalaman namin. Kaya hindi nakapagtataka na marami akong alam.

Rose: Ahhh. Kaya pala andami mong alam. Hahaha.

Ann: Ewan ko sayo Rose. Hahaha. Uwi na kaya tayo?

Rose: Tara, hahahaha. Sakit narin ng paa ko e.

Habang naglalakad sila ay may napansin silang liwanag na nanggagaling sa eskinita.

Ann: Rose oh! May liwanag na naman!

Rose: Baka motor na naman yan. Hahaha

Ann: Tignan natin. Tara.

Rose: Sige.

At ayun nga, as expected, may sumulpot na apat na Condition Two Time Eater.

Rose: Nako po! Yari na! Hindi yata ako makakalaban ng maayos at pagod na ang mga binti ko!

Ann: Yari na, ako rin e!

Rose: Di bale, hindi tayo pwedeng umatras Ann, labanan na natin to Ann. Dalawa naman tayo e.

Ann: Teka Rose, hindi mo ba napapansin?

Rose: Ang alin?

Ann: Ilan yung Time Eater ngayon na kalaban natin?

Rose: Apat.

Ann: Yun na! Nung nangyari sakin to, dalawa ang sumulpot, nung nangyari sayo, dalawa rin ang sumulpot.

Rose: At ngayong nangyari sating dalawa....

Ann: Tama ka! Apat ang sumulpot! Meron talagang kakaibang nangyayari!

Rose: Nako! Nandyan na sila! Ann! Ilag!!!!

Tumumba si Ann sa lakas ng hangin, nawala ang mga Time Eater ngunit patuloy pa rin ang pagbagsak ni Ann.

Gusto man patigilin ni Rose ang oras ay hindi nya magawa dahil nagulat sya sa mga sumunod na pangyayari.

Ann: Rose!! Tulong!!(Habang nakapikit na syang babagsak)

Biglang sumulpot ang liwanag at sinalo nito si Ann..

Ann: Salamat Rose!!

Rose: Hindi ako yan Ann.

Ann: E sino?

Itutuloy....

Paggising ko 2: Ang Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon