Time World: Motivation

18 1 1
                                    

Ensayo doon, ensayo dito.

Yan ang araw araw kong ginagawa kasama ang aking Time Power.

Habang patuloy nya kong ginagabayan sa bawat hakbang ko para sa aking pagbabalik ay patuloy ang aking paglakas.

Hindi ko man inaasahan ang malakihang pagbabago, nararamdaman ko naman paunti unti ang pagbalik ng aking enerhiya.

Hindi ako nawawalan ng gana, bawat araw na lumilipas ay mas nabibigyan ako ng motibo upang ipagpatuloy ang pag eensayo.

Kada araw din na lumilipas ay mas bumibigat ang ensayong ginagawa namin.

Ngunit hindi hadlang sakin yun para sumuko. Mas lalo lang akong lumalakas upang harapin ang pahirap na pahirap na ensayong kinakaharap ko.

At yun nga, hanggang sa natapos na namin ang ensayo.

Naramdaman ko ang paglakas ko.

Nagpaalam ako sa aking Time Power kung pwede na ba kong bumalik.

Ang sagot nya, hindi pa raw, may isa pa kaming dapat gawin.

At yun daw ay ang synchronization naming dalawa.

Para mas tumatag ang aming pwersa at para mas maging konektado kami sa isa't isa.

Kahit wala ang aking Time Power, meron na kong kapangyarihan, ngunit mas malakas ito kung kasama ko ito.

Sinabi nya rin sakin, habang nagsisync kaming dalawa, maaari akong dumalaw dalaw kahit saglit kela Ann, ngunit isang saglit lang talaga ito.

Mabilis lang naman daw ang synchronization, hindi naman ito aabutin ng limang araw kumpara sa isang buwan kong pag eensayo.

Naalala ko na naman ang mga magulang ni Kuya Lolo. Hindi talaga ako makapaniwalang ibibigay nila ang buhay nila sakin, ganun pala talaga ako kaimportante dito. Hindi ko sasayangin ang pangangalawang pagkakataon na ibnigay sakin.

Naalala ko rin sila Ann at Rose, nag improve na kaya ang kapangyarihan nila tulad ng gusto kong mangyari? Sana hindi sila nawalan ng pag-asa nung nalaman nilang wala na ko.

Pero wag sila mag-alala at konting oras na lang at ako'y magbabalik na.

Itutuloy...

Paggising ko 2: Ang Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon