The Historians

36 0 0
                                    

Sa mundo ng oras.

May panig na kung saan ay may dilim at may panig na kung saan ay may liwanag.

Sa panig ng kadiliman ay ang tinatawag na mga Time Eaters.

Samantalang sa kaliwanagan ay ang mga Time Defenders.

Nailathala na ang mga opisyales ng bawat paksyon. Ngunit may isang miyembro pa ng magkabilang grupo ang hindi pa naisasama.

Ang mga Historian.

Sa kapanigan ng Liwanag.

Ang mga Historian ay sobrang mahalaga dahil sila ang pundasyon ng mga pundasyon. Sa maikling salita, kailangan sila ng mga Time Restorers. Sila ang nagsusulat ng mga importanteng detalye ng bawat araw na lilipas. Sila ang daanan ng mga Time Restorers upang makarating sa oras na dapat ayusin.

Sila ay mga ordinaryong Historian na binigyan ng kapangyarihang magteleport kahit gano pa man katagal at kahit saan pa man.

Sa kapanigan ng Dilim.

Ang mga Historian ay ang kanilang daan upang makapangpinsala.

Ang kaibahan lang ay hindi sila nagsusulat. Sila ang nagsisilbing mata ng mga Time Eaters.

Binigyan din sila ng kapangyarihang magteleport kahit gano pa man katagal at kahit saan pa man.

Samantala.

Ang mga Historian ay hinihikayat lamang ng kapanigan ng Liwanag, ngunit sa kapanigan ng Dilim, minsan ay dinadaan nila sa dahas. Kung kaya't hindi nakapagtataka na mas maraming Historians sa kapanigan ng Dilim.

Hindi man masyadong malakas ang kanilang kapangyarihan, malakas ang impact nila sa magkabilang panig.

Paggising ko 2: Ang Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon