Searching for Help

10 0 0
                                    

"Ha? Sino ka? Alam mo pangalan ko?!"

"Ako to si John!"

"Ewan ko sayo! Umalis ka na dito! Alis! Hindi kita kilala! Baka magnanakaw ka pa pala! Layas!"

"Teka Ann ak...." Bigla na lang nya akong pinagsarhan ng gate ng padabog.

Ano bang nangyayari?? Hindi ko na maintindihan. Hindi ako maintindihan ni Ann? Ano na naman bang palabas to?

.

.

.

.

Sinubukan kong lumapit kay Rose, ngunit ganun din ang nangyari. Ang pinagkaiba nga lang, naipit ang daliri ko sa gate. Kaya ayun, namamaga pa 'to hanggang ngayon.

Isa na lang talaga ang naisip kong makakatulong sakin.

Si Kuya Lolo!

.

.

.

.

Habang naglalakad ako papunta sa computer shop, pinagdarasal ko na sana kilala nya ko at matutulungan nya ko. Sana lang talaga! Kailangan ko ng tulong ngayon, naguguluhan na ko.

.

.

Binuksan ko ang pinto ng shop.

"Ui suki!", sigaw ni Kuya Lolo.

"Kuya Lolo!", bati ko.

"Kamusta? Matagal tagal kang hindi napapadpad dito ah!"

"Ha? Talaga po? Parang ilang araw lang naman po yun!"

"Suki! Isang taon ka nang hindi nagpupunta dito!"

"Ganun po? Nakapagtataka't hindi ko na nabilang."

"Gagamit ka ba ng computer?"

"Ay hindi po, sa totoo po nyan, nandito ako para humingi ng tulong."

"Ano bang kailangan mo?"

"Bakit po ganito? Nawala yung kapangyarihan ko."

"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Anong kapangyarihan?"

"Nakakalimutan nyo na po ba? Yung pagtatime travel at iba pa!"

"Hindi kita maintindihan! Teka, ikaw ba buong gabi naglalaro ng computer games at nababaliw ka na dyan?"

"Teka! Hindi po ako nababaliw Kuya Lolo! Totoo po ang sinasabi ko! Tinulungan nyo na ko dati tungkol dito!"

"Tigilan mo nga ako, wala akong alam sa sinasabi mo, kung hindi ka gagamit at manggugulo ka lang, umalis ka na dito."

"Pero.."

"Umalis ka na marami pa kong ginagawa."

"Sige po, pasensya na po."

.

.

.

Hindi ako makapaniwala! Ano bang nangyayari! Bakit ganito? Tsk!

Habang naglalakad ako pauwi. Nakasimangot ako at talagang nagtataka kumbakit ganito.

Bigla na lang akong may napansing kakaiba.

Paggising ko 2: Ang Ikalawang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon