S1: Day 11- The Date

91 26 6
                                    

I'll take you to my hometown everyone! :) <3

**********************

Chapter 11

**********************

*FROY SECOND SMITH'S*

"Anong gagawin natin dito?" sabi ko kay Frauline na bumibili ngayon ng ibang pagkain sa isang tall dito. "Ano sa tingin mo?" sabi niya sa akin at kiuha na ang mga pagkaing pinamili niya.

Nandito kami ngayon sa terminal ng van. Alam ko naman kung anong gagawin namin dito. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta hindi niya sinasabi sa akin eh. Tsk. Magcocommute pa kung pinadala nalang niya sa akin yung sasakyan ko edi sana hindi na hassle.

After ng ilang minutes, bumalik na din siya na may dalang sobrang daming pagkain. As in. "Bat ang dami mong pagkaing binili?" nagtatakang tanong ko. "Kung tinutulungan mo kaya akong bitbitin yung iba dito noh?" sabi niya at inirapan ako. Napabuntong hininga nalang ako at kinuha sa kanya ang ibang plastic bag. Ngayon pa nga lang nagaaway na kami, pano pa kaya sa mga susunod na oras?

Naglakad naman siya at sinundan ko lang siya. Huminto siya sa isang istasyon. Binasa ko ang nakalagay sa karatula. Alabang. "Pupunta tayong Muntinlupa?!" medyo sigaw ko sa kanya. Well, medyo lang naman. "Hindi. Babalik tayong Cavite. Obvious ba?" pagtataray naman niya sa akin pero nginitian ko lang siya dahil excited ako. Hindi pa kasi ako nakakapunta ulit sa Munti simula nung nagstart ang pasukan.

Sumakay na kami sa isang van. Medyo magiintay pa kami dito dahil hindi pa puno yung van. "Bakit mo naisipan na sa Munti pumunta?" tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat siya. "Naisip ko lang na pareho lang naman tayo ng pinanggalingan. Nagbabaka sakali lang ako na baka pag pinuntahan natin yung lugar na kinasanayan natin magkasundo tayo kahit paapano." paliwanag niya ng hindi nakatingin sa akin.

Napatango naman ako. "Pwede naman tayo magkasundo eh.." tumgil ako sandali at tumingin sa kanya. Nakakunot naman ang noo niyang tumingin sa akin. "Kahit ngayon lang. Ceasefire muna tayo." dugtong ko. Hindi naman siya nakasagot agad. Naisip ko lang kasi paano namin magagawa ng maayos yung gagawin namin kung hindi kami magkakasundo? Gusto ko din namang magenjoy.

"Susubukan ko." sabi niya at napabuga ng hangin. Napangiti nalang ako. At least susubukan niya. Nang mapuno na ang van, nagsimula na kaming umalis. KKB muna kami ngayon sa pagbayad ng pamasahe. Sa buong biyahe naman ay kumakain lang kaming dalawa. Medyo bumait naman siya at binilhan din ako ng pagkain. Nang makarating na kami sa terminal ng van sa Alabang, bumaba na kami.

Tinignan ko ang orasan ko at nakitang alas dose na pala ng tanghali. "Gusto mong kumain muna ng tanghalian?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at hinimas himas ang tiyan niya. "Gutom ulit ako eh." natawa naman ako dahil kanina pa kami kain ng kain pero wala parin siyang kabusugan. Wala sa sarili na nakurot ko ang pisngi niya. "Oy wag fc!" sigaw niya sa akin at hinawi ang kamay ko.

"Close nga tayo ngayon diba?" sabi ko at nagkibit balikat lang siya. "Sabagay. Tara na! Gutom na ako." hinila naman niya ako papasok ng Festival Mall. Pumasok kami sa KFC at pumila na. "Ano sayo?" tanong ko sa kanya. "1 twister fully loaded tsaka isang krushers. Orange juice yung drinks." sabi niya sa akin at inabot ang share niya. "2 twister fully loaded, 2 krushers, 1 orange juice at isang coke light." sabi ko sa counter at inabot na ang bayad.

Pagkadating ng pagkain dinala ko na ito sa table namin at nagsimula na kaming kumain. "Sino nga pala ang sa pictures?" tanong ko sa kanya. Naalala ko kasi na kailangan nga pala naming idocument tong 'Date' namin. "Ako na bahala dun. Kaya mo bang gawin yung sa details?" tanong niya sa akin. Tumango nalang ako. Aish, bahala na nga.

Days Of SecondWhere stories live. Discover now