S1: Day 7- Try outs, Day Out <3

131 29 6
                                    

**********************
Chapter 7

**********************

Flash Forward: Friday

*GABRIELLE FRAULINE CASTRO'S*

I am currently changing my clothes for the try outs. Yeah, friday na ngayon. My days are getting weird. Hindi ko alam kung bakit hindi parin umaatake sakin si Kate ngayon eh ang sabi nina Jhoanna dapat ngayon palang nakilos na siya. Weird. Hinayaan ko nalang. Mas okay nga to eh, mas tahimik.... Ata?



At si Second?



WALA. PINATAY KO NA. IBINALIK KO SA PINANGGALINGAN NIYA. KINIDNAP KO TAPOS TINALI KO SA RILES NG TREN. NILASON KO. PINAKAIN KO SA BUWAYA AT PATING. PINUGUTAN KO NG ULO. SINUNOG KO. AND LASTLY, TINAPON KO SA ILOG PASIG.



Pero syempre, joke lang yun. Masyadong morbid. Pero gustong gusto ko talagang totoohanin! SUPER! Setbu kasi talaga yung unggoy na halimaw na yun eh! Ughhhh! Kamukha niya talaga yung mga unggoy na nanghahabol sa Temple Run seriously. -_- Hindi niya pinapatahimik buhay ko letse!



Napagkasunduan din namin na mag one-on-one sa volleyball sa Saturday, and kung may free time, soccer naman. Hindi naman ako umangal. I excell in both sports so there's no worries. Pero hindi pa din daw siya naniniwala hanggat hindi ko napapatunayan. Edi wag niya. Tignan lang natin. Hah.



Tumingin ako sa salamin at hinipan ang bangs ko. I have this mannerism na everytime na naiinis ako hinihipan ko yung bangs ko. Others find it cute naman. Hehe.



Nagbotohan na din kami nung Monday ng hapon kung sino magiging class officers. Ang mga nahalal?



President- Ryle Ore
Vice President- Jhoanna Clarkson
Secretary- Zoe Chua
Treasurer- Fretzie Tan
Auditor- Mark Arellano
PKO (Peace Keeping Officers)- Justin Villiongco & Jeimie Pablo
Muse & Escort- Kate Zamora & Nate Salazar



Nagkaroon muna ng alitan bago mapagdesisyunan kung sino ang magiging Muse & Escort. Sabi nina Zoe, kami daw ni Froy. Na tinutulan naming dalawa. Sabi naman ng mga kaibigan ni Kate, si Kate daw at si Froy. Sabi din ng iba, si Nate at ako daw. Eh ayaw naming dalawa nung unggoy. (gaya gaya siya, pasensya po.) Kaya yung adviser na namin pumili kung sino.



Wala parin kaming matinong seating arrangement ngayon. Pero hindi kami pinayagang lumipat ng upuan. Para daw hindi sila malito. At isa yan sa mga gusto kong ireklamo. Huhu. Gusto ko na ng kapayapaan! Parati naman kasi akong kinukulit nung setbu na Froy na yon!! Tch.



*Flashback: Tuesday*

Computer ang subject namin ngayon. Tuwing Tuesday at Thursday kasi ang Computer class namin. At syempre, kailangan ng partner. By twos lang kami. Pero dahil nga 31 kami, yung isang grupo ay magiging 3.



"Ore, Ryle & Chua, Zoe" tinawag na sila Ryle at awkward naman silang pumunta sa assigned computer nila. Nakangiti naman kami sakanila ng nakakaloko. Hihi.



"Zamora, Kate & Salazar, Nathaniel" nagising bigla ang natutulog na si Nate. Umirap lang si Kate at nauna ng pumunta sa computer nila. Nakangiting aso naman si Nate. Ehem.



Habang hindi pa ako tinatawag, kinuha ko muna yung notebook ko at nagsulat ng kung ano ano. Sana lang talaga si Jhoanna partner ko o kaya kahit sino sa tropang potchi... At unfortunately, hindi ako nagdilang anghel. =_=



Days Of SecondWhere stories live. Discover now