S1: Day 13- Change

52 9 2
                                    

**********************

Chapter 13

**********************

*FROY SECOND SMITH'S*

"Hi Froy!" narinig kong may tumawag sa akin mula sa likod ko. Napahinto ako at dahan-dahang napalingon. "Good morning." nakangiti niyang bati sa akin. Bumuga ako ng hangin at ngumiti sa kanya. "Good morning, Kate." Akala ko naman siya yung bumati.

"Sabay na tayo ah?" tumango naman ako bilang sagot. Aaminin ko, hindi pa rin ako masyadong komportable sa kanya. Pero ayoko din naman na basta nalang siyang iwan. Nakapagbitaw na ako ng salita eh. Hindi ko na pwedeng bawiin yun. Pero, ang dami kasing hindi pwede. Nakapagbitaw din ako ng salita sa isang kaibigan. Na hindi ko alam kung mapapanindigan ko.

Nagsasalita siya pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya, Wala kasi sa akin utak ko eh. "Di ka naman nakikinig." narinig kong sabi niya at kasabay nito ay ang pagbuntong hininga niya. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang nakasimangot niyang mukha. "I'm listening." sagot ko sa kanya. "You're not kaya. Sige nga, ano yung huling sinabi ko?" nakatingin siya sa akin at napaiwas naman ako ng tingin at napahawak sa batok ko. "Uhmm.. Sorry. Ano ulit yun?"

"Hmp. Sabi ko if you want to go eat sa friday? Sa Trizona lang? My treat sayo for accepting me as your friend. Early dismissal naman tayo sa Friday." Nakangiti na ulit niyang sabi sa akin. "Sino pang kasama?" tanong ko sa kanya. Umiling siya at ngumiti. "Tayong dalawa lang."

"Hindi lang ako sure," sabi ko. "Baka kasi may biglaang lakad ako." Tumango naman siya at ngumiti sa akin. "Basta try mo ha?" Tumango nalang ako at umiwas na ng tingin sa kanya. Pumasok na kami sa room namin at umupo sa kanya kanyang upuan.

Nilapag ko ang bag ko sa upuan ko ng may kumalabit sa akin sa likod. Tumingin ako dito at nakita si Nate. "Magusap tayo."

~

"Isang tanong isang sagot," seryosong sabi sa akin ni Nate. "May gusto ka ba sa kanya?" Ang lamig ng pagkakasabi niya niyan. Tumingin ako sa kanya at umiling. "Wala."

Tumango naman siya at ngumiti. "Mabuti naman." para siyang nakahinga ng maluwag ng marinig ang sagot ko. "Kailangan ko ng tulong mo Dos."

Napatingin ako sa kanya. Alam ko na ang patutunguhan nito. "Tulungan mo ako sa kanya. Please." Pagmamakaawa niya sa akin. "Hindi ko na kasi kaya. Ipaglalaban ko na siya. Kailangan din akong makabawi sa kanya. May nagawa kasi ako eh."

Napatingin ako sa kanya ng marinig ang huli niyang sinabi. Gusto ko mang malaman kung ano yun ay hindi ko na tinanong. Mukha talagang pursigido siya na magkabalikan sila ni Kate. Mukhang mahal niya talaga ito. Ganyan ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? "Sige, tutulungan kita."

Nakita ko naman ang tuwa sa mukha niya. "Talaga pre?! Salamat!" Sa sobrang tuwa niya ay halos mayakap na niya ako. Natatawa na lang akong tinapik ang likod niya. "Maaasahan talaga kita!"

Tumango nalang ako. Gusto kong maging masaya ang kaibigan ko kaya ko ginagawa 'to. Pero bakit parang mali?

*

"Pupunta tayong music room. Pumila na kayo sa labas." sabi ng Music teacher namin. Yung iba ko namang classmate ay naexcite sa maaari naming gawin.

"May alam ka bang tugtugin na instrument, Gab?" Narinig kong tanong ni Zoe na nasa gilid ko. Palihim kong pinakinggan ang usapan nila.

"Yup. Piano, Guitar tsaka Harp. Kayo?" Sagot naman ni Frauline. Napangisi ako ng konti. Madami pala siyang alam tugtugin.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 06, 2014 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Days Of SecondDonde viven las historias. Descúbrelo ahora