S1: Day 8- The Match

100 28 5
                                    

WARNING: CLICHÉ! -_-

**********************

Chapter 8

**********************

*GABRIELLE FRAULINE CASTRO'S*

"Okay naman na yung paa mo. Ipahinga mo lang ng konti at icold compress mo. Baka bukas wala na yan." sabi ng doctor sa akin. "Wag mo na din muna masyadong galawin ngayon." dagdag pa niya. Tumango naman ako at nagpasalamat.

Obviously, nasa hospital kami ngayon. Pagkatapos niya akong kaladkarin palabas ay walang nagsasalita sa amin. Ewan ko, siguro binigyan ko lang ng malisya yung sinabi niya kanina. Aish. Nakakabigla din naman kasi bigla nalang siyang magrereact ng ganun. At anong meron sa kanila ni Justin? Tuwing nagtitinginan sila parating may kuryente sa mga mata nila. Ewan sakanila. Malaki naman na sila.

Nasa harapan din ng hospital bed ko ngayon si Froy. Nakacross arms at nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Tinitingin tingin mo diyan?" para kasing ewan na nakatingin sa akin. Ang awkward kaya.

"Wow, salamat ha. Salamat ng marami." punong puno ng sarcasm na sabi niya sa akin at inirapan ako. Nahiya naman ako ng konti kaya umismid ako at umiwas ng tingin. "S-salamat." hindi naman ako nakarinig ng sagot sa kanya. "Umuwi na tayo. Tara na." hindi parin siya nakatingin sa akin at nakafocus lang sa gilid niya. Maglalakad na sana siya paalis ng nagsalita ako.

"A little help here?" sabi ko. Nakalimutan ata niya na hindi ako makapaglakad ng maayos. Naalala ko tuloy yung pagpunta namin dito kanina. Buhat buhat niya ako. Feeling ko uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. Aish. Pakapalan na to ng mukha. Dinala naman na niya ako dito lubus lubusin na.

"Aish!" sabi naman niya at napakamot sa ulo niya sa inis. Nagpakuha naman siya ng wheelchair sa nurse at inalalayan akong tumayo. Pagdating namin sa sasakyan niya eh tinapat niya ako sa pinto ng passenger seat bubuhatin na sana niya ulit ako pero hininto ko siya. "Ako na. Kaya ko na." napahinga naman siya ng malalim at napailing na lang. Di naman ako paralysado. Isang paa lang naman napuruhan sa akin.

"AHHHHHH!" Hahakbang na sana ako ng bigla akong napadulas. Pinikit ko na ang mga mata ko sa maaaring mangyari sa akin ng wala akong naramdaman. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni Froy na malapit sa akin. Nakahawak naman ang kamay niya sa bewang ko. Napaiwas ako ng tingin. Okay, this is so cliché.

Pero bago pa ako makatayo at makalakad uli, binuhat na niya ako ng bridal style. Magsasalita pa sana ako ng inunahan niya na ako. "Wag ka ng magreklamo. Kulit kasi eh." umirap nalang ako. Kahit ba anong gawin niya mabuti man o masama, nandon parin yung epal factor niya? Nakakainis.

Maingat naman niya akong inupo sa passenger's seat. Pagkatapos nun eh, sinimulan na niyang paandarin yung kotse. Tinanong din niya ako kung saan ako nakatira at sinabi ko naman. Buong biyahe walang umiimik sa amin. Nakakapanibago. Dapat ngayon nagsisigawan kami at nagbabarahan. Napatingin ako sa kanya. Si Froy ba talaga to? Bat ang dami niya atang ginawang mabuti sa akin ngayon?

"Wag mo akong titigan. Pag ako natunaw bahala ka." nakangising sabi niya. Napairap ako. "Feeler." bulong ko at binaling ang tingin sa labas. Nasa highway pa rin kami. Tinignan ko ang iba't ibang sasakyan na nilalagpasan kami. Pati ang mga iba't ibang dekorasyon na nakapaligid sa mga poste ng ilaw. Ibang iba talaga dito.

"Paano ka nga pala makakapaglaro bukas?" biglang tanong ng katabi ko. Nabigla naman ako dun. Oo nga pala! May match pa pala kami bukas. "K-kaya ko to. Sabi naman ng doctor magaling na to bukas." taas noong sabi ko sa kanya. Aba! Hindi pwedeng magpatalo ako sakanya noh. Kahit hindi ako sure sa mga sinasabi ko, tuloy tuloy parin ako. Bahala na si pong pagong.

Days Of SecondDonde viven las historias. Descúbrelo ahora