S1: Day 5- TRUST.

160 34 12
                                    

**********************

Chapter 5

**********************

*NATHANIEL ALFONSO SALAZAR'S*

(SINGIT MUNA XD)

Pinatawag kami ngayon ni Sir Bataller para sa registration sa try outs. Kapag registration kasi, iinterviewhin ng mga captains yung mga gustong sumali. Para malaman kung talagang qualified talaga sila. At bilang first time ko maging captain, nakakakaba din syempre. Kasi ako na ang maglealead sa team ko. Eh ako ang inaasahan sa team namin kaya ako ang pumalit. Tsaka gwapo daw kasi ako. (may connect yun wag kayo XD)

Ako nga pala si Nate. 16 years old. Pinanganak noong ika-18 ng Hulyo sa isang mamahaling ospital sa tabi tabi. Wag niyo ng tanungin ang buong pangalan ko dahil alam kong alam niyo naman na. =_=

Ako palang ang nandito pati sina Jeric (captain ng basketball) at si Philip (captain ng badminton).

Hindi ko naman sila close kaya hindi ko na sila pinansin. Never ko naman sila naging kaklase.

Biglang bumukas ang pinto sa gilid ko at may pumasok na babae.. Isang babaeng maganda.. Isang babaeng galing sa nakaraan ko... Isang babaeng parte parin ng buhay ko.. at isang babaeng gusto kong makasama sa hinaharap ko.

Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad siya papunta sa upuan sa tabi ko.

Tumingin siya sa akin at umirap. Napabuntong hininga nalang ako. Nagbago na talaga siya. Sobrang laki na ng pinagbago niya... Hindi na siya ang Kate na mahal ko. Hindi na siya ang Kate ko...

Sobrang hindi inaakala ang nangyari sa amin. Ang saya saya pa namin bago nangyari yun. Hindi ko alam ang totoong dahilan... Basta ang alam ko lang bigla nalang siyang nagbago.. Tatanggapin ko parin naman siya kahit magbago siya eh. Pero siya na mismo ang tumapos sa kung anong meron kami...

"Break na tayo."

"Ha? Haha. 'To talagang si Kate ko. Hilig magjoke. Pakiss nga!" lumapit ako sa kanya pero tinulak lang niya ako palayo.

"Bingi ka ba o ano?! Ang sabi ko BREAK NA TAYO! At mukha ba akong nagjojoke? Hindi naman talaga kita gusto eh. You're just a past time." hindi ko inintindi ang sinasabi niya. Joke time lang naman to diba?

"Haynako, Kate. Alam kong hindi totoo yan. Gutom lang yan. Tara kain---" hindi ako natapos magsalita dahil sinampal niya ako.

"Alin ba sa BREAK NA TAYO ang hindi mo maintindihan ha, Nate?! Wag kang tanga! HINDI NA KITA MAHAL OKAY? AT HINDI KITA MINAHAL. WAG KANG MANGARAP!" she said before she stormed out the room, leaving me hurt... and crying.

I clenched my fist nung maalala ko yun. Hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala sa sinabi niya.. Alam kong may ibang dahilan.. Alam kong minahal niya talaga ako. Aabot ba kami ng 2 years kung hindi diba?

Napatingin ulit ako sa kanya. Busy lang siya sa pagkalikot ng cellphone niya. Ghad, I miss her... so much.

"Hi K---" sinubukan kong kausapin siya pero sinalpak niya agad ang earphone niya sa tenga niya.

Napabuntong hininga nalang ako. Gusto kong kausapin siya. Gusto kong yakapin siya. Gusto kong ibalik yung dating kami... Pero mukhang imposible na yun.

Napatingin ako sa kisame. "Bakit mo ba ginawa yun Kate? Mahal pa rin kita..." sabi ko kahit imposibleng marinig niya.

Walang nagiimikan sa aming dalawa. Tanging ingay lang nila Philip at Jeric ang naririnig ko. Bakla ata tong dalawang to eh. Naglalandian -_-

Days Of SecondDonde viven las historias. Descúbrelo ahora