S1: Day 12- Can't Control

66 13 1
                                    

**********************

Chapter 12

**********************

*FROY SECOND SMITH'S*

Monday na. As usual, may pasok nanaman. Nakakatamad lang talagang pumasok ngayon kasi ang lamig ng panahon at umuulan.

At ang nakakainis pa, traffic. Tsk. Bakit ba kung kailan maaga akong papasok tsaka pa nagtraffic? Ang aga aga pa lang traffic na. Sabagay, Monday nga pala ngayon at ang dami ring pumapasok ng maaga. Pero kahit na! Malapit na ako sa school tapos biglang ganito. Tsk. Kakakuha ko nga lang pala ng student's liscence ko kahapon. Si Dad ang nagbigay sa akin.

Usually mga 6:30 na ako umaalis sa bahay. Pero ngayon 6:00 pa lang nakikipagsiksikan na ako sa mga sasakyan. Sabi kasi ng tatay ko dapat daw parati aking maaga sa school. Kailangan kong sundin dahil utos yun, hindi pakiusap.

Hindi naman ako makatakas at hindi ko na rin babalikin pang tumakas dahil bantay sarado ako. Sa bahay, sa school at kahit saan ako magpunta. Though wala namang mga bodyguards na nakasunod sa akin. Pero may inatasan si Dad na bantayan ako. Baka daw kasi may gawin akong kalokohan.

Kontrolado talaga niya buhay ko. Pero wala akong magagawa, gusto kong bumalik ang tiwala niya sa akin. Kahit di ko naman alam kung ano ang dahilan kung bakit siya galit sa akin.

After ng ilang minutes ng pagiintay, umandar na din ang traffic hanggang sa nakarating na ako sa school. Pinasok ko na ang sasakyan ko sa gate ng school ng may nakita akong isang babae at isang lalake ang nakaharang sa dadaanan ko.

Nagtatawanan sila at magkashare sa iisang payong. Tinitigan ko silang mabuti at nakita ang dalawang mukha na kilala ko. Sina Justin at Frauline. Binusinahan ko sila ng malakas kahit alam kong bawal yun dahil nasa school grounds ako. Masyado silang masaya, hindi pwede yan.

Nakita kong napatingin sa gawi ko si Justin at akmang pupunta pa siya sa bintana ng sasakyan ko pero mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko palayo sa kanila. Meh. Jerk mode on. For sure naman di nila ako nakita kasi tinted ang sasakyan ko. Pinark ko lang ang sasakyan ko malayo kung nasaan sila para hindi nila malaman na ako yun at binalak ko ng pumasok sa loob ng school. Tinignan ko kung nandun pa sila sa pwesto nila kanina at nang makita kong wala na, ay dumiretso na ako sa loob ng school.

Katulad pa rin ng dati, ganun pa rin ang eksena sa hallway. Katulad pa rin ng dati, ganun pa rin ang eksena sa hallway. Marami pa ring tumitingin sa akin pero wala naman akong pakielam sa kanila. Sinalpak ko ang isang earphone sa aking kaliwang tenga at nakapamulsang naglalakad papunta sa classroom namin.

Hindi katulad ng dati, hindi pa masyadong maingay sa room ngayon. Wala pa kasing masyadong tao dahil maaga pa. Umupo lang ako sa upuan ko at nilapag ang bag ko. Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa napahinto ako sa isang taong nakatingin sa akin. Nginitian niya ako at naglakad papunta kung nasaan ako.

"Hi," sabi niya sa akin at umupo siya sa upuan sa tabi ko. Sa upuan ni Frauline. Ngumiti lang ako sa kanya at binaling na ang tingin ko sa phone ko. Narinig ko ang pagtikhim niya. "Ahh.. I know medyo awkward kasi may issue about sa akin yung mga friends mo.. Pero sana maniwala ka na gusto kitang maging friend." seryosong sabi niya sa akin. Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang sinseridad sa kanyang mukha. "Kung ayaw mo, okay lang naman. Pero sana maniwala ka sa akin."

Nakita ko ang paglungkot ng mukha niya kaya nabahala ako. "Ah.. Okay lang naman. Walang problema sa akin yun, Kate." ngumiti ako sa kanya at nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya. "Really?" nakangiti niyang sabi habang nakasaklop ang dalawa niyang kamay. Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Yehey! To be official, friends?" nakangiting inabot niya ang kamay niya sa akin habang nakatingin sa akin diretso sa mata. Tinanggap ko naman ang kamay niya. "Friends."

Days Of SecondWo Geschichten leben. Entdecke jetzt