S1: Day 9- When she rules

98 28 4
                                    

**********************

Chapter 9

**********************

*GABRIELLE FRAULINE CASTRO'S*

1 week has passed. At ngayon masasabi ko na nahihirapan akong magadjust. Hindi na naging normal ang araw ko sa school. Parati akong tinitignan ng mga tao na para bang ang sama sama ko. Pero siguro nga, ang tingin nila sa akin masama. Pagkatapos kasi ng soccer match namin nung p.e. nung Wednesday, nagbago na ang lahat. Hindi ko alam kung paano nangyari at ano ang nangyari pero bigla nalang nagkaganun.

"Diba siya yun?"

"Yes girl. We should stay away from her. Baka mamatay pa tayo dahil sa kanya." Narinig kong sabi ng mga second year students na nadaanan ko. Nakayuko lang ako habang naglalakad. Wala naman silang alam sa nangyari. Hindi nila alam kung ano ang totoong nangyari. Pero isa lang ang pinagtataka ko, saan nila nakuha yun?

Pagkaakyat ko sa taas, dumiretso agad ako sa cr at pumunta sa isang cubicle dun. Umupo ako sa toilet bowl at umiyak. Nakita ko ang mga nakalagay sa vandals dito sa pinto.

GABRIELLE FRAULINE CASTRO IS CURSED.

SHE'S AN EVIL.

BAGO PALANG FLIRT NA.

JUSTIN IS MINE! BACK OFF YOU BITCH.

KILLER BITCH.

Tinakpan ko ang mata ko at humagulgol ng malakas. Dapat pala hindi muna ako pumasok ngayon. Kaso lang ayokong makita ni papa na ganito. Biglang bumalik sa akin ang mga nangyari 3 years ago. Ang mga nangyari na pilit ko ng kinakalimutan pero hindi ko magawa.

"Kasalanan ko to.. Kasalanan ko." 1 taon ko na rin hindi iniinom yung gamot ko. Kasi akala ko magaling na ako. Akala ko hindi na ako magkakaganito. Iniling iling ko ang ulo ko habang sinasabunutan ang buhok ko. "Kasalanan ko to.. Kasalanan ko." Naalala ko bigla ang bawat detalye nung araw na yun.

Yung baril..

Putok..

Dugo..

Namatay siya ng dahil sa akin. Dapat sa akin yun. Pero sinalo niya. Kasalanan ko itong lahat. "Adrian sorry.. Sorry kasalanan ko..." Umaatake nanaman ang sakit ko. Sumasakit ng sobra ang ulo ko. Wala sa akin ang gamot ko. Nahihilo na din ako at parang konti nalang mawawalan ako ng malay.

"Gab? Nasan ka?" may pumasok sa cr. Alam kong sina Zoe yun. "Zoe... Tulong." nanghihinang bulong ko. Hinahampas ko din ng konti yung pinto para malaman nila nasaan ako. Nakita ko naman na kinalabit ni Zoe yung lock dito sa loob kasi mababa lang naman yung pinto. "Oh my god Gab! Jhoanna tulungan mo ako!" tinaas naman ako ni Jhoanna at Zoe dahil sobrang hina ko na. Dinala naman nila ako sa clinic.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari basta naramdaman ko nalang na inupo nila ako sa kama ng clinic at may pinainom sa aking gamot. Nagtaka naman ako kung bakit may ganito silang gamot dito. Nakatulog ako ng 2 oras at nagulat ako ng nasa tabi ko si Justin. Uupo na sana ako pero pinigilan niya ako. "Humiga ka muna. Baka mahilo ka ulit." pero umupo pa rin ako. "Okay na ako. Bakit ka andito?"

"Inexcuse ka kasi kanina nina Zoe. Kaya naisipan kong puntahan ka dito. Ano ba nangyare sayo?" nagaalalang tanong niya sa akin. Napakagat ako ng labi ko. Hindi ko alam kung kaya ko na bang ikwento sa kanya. Sabi niya kasi sa akin nakikita daw niya sa akin yung nakababatang kapatid niya kaya sobra siyang nagaalala sa akin. "Wala. Sumama lang pakiramdam ko." napatingin naman ako sa orasan. "Matagal ka ng nandito?" tanong ko sa kanya.

Days Of SecondDonde viven las historias. Descúbrelo ahora