SORRY.
Paghingi ng kapatawaran.
Kapag pinaulit-ulit na lang,
Ito'y nagiging kasinungalingan.--------------------------------------------------
GRIPO.
Daluyan ng tubig.
Tulad ng mga mata mong
naging isang gripo,
Simula noong ika'y niloko
ng taong akala mo'y
mamahalin ka nang totoo.-----------------------------------------------
KAPE.
Inuming gigising sa iyong diwa.
Parang pagmamahal mo sa akin,
Mainit pa sa umpisa, matamis sa simula,
bigla kang nanlamig kaya naging mapait bigla.
________________________________
Marcelo Santos III