HUGOT 22

47 2 0
                                    

KAIBIGAN.

Mga taong makakasama mo
sa hirap at ginhawa.

Hindi importante kung marami o isa,
Kahit kaunti lang ang bilang nila,
basta totoong makisama,
yun lang naman ang mahalaga.

---------------------------------------------------

BOLA.

Gimagamit sa paglalaro.

Parang ikaw, ginamit lang.
Kapag hindi na siya masya,
at nakaramdam ng pagkasawa,
itatabi ka na lang niya,
o ang masama'y kakalimutan ka na lang bigla.

-------------------------------------------------

LUHA.

Likidong pumapatak mula sa ating mga mata.
Isang tubig na kadalasa'y ibinubuhos ng emosyon.
Mula sa taong mamahalin ka ngayon,
ngunit sasaktan ka sa bawat pagkakataon.

Minsan, nakikita natin siya tuwing masaya,
kapag wala na ang lahat ng problema,
kapag lahat ng hirap ay nagbunga,
kapag sobra-sobra na ang ligaya.

Ikaw ba?
Anong uri ng luha ang lagi mong nadarama?


________________________________

Marcelo Santos III

HUGOTWhere stories live. Discover now