Hugot 28

61 2 0
                                    

NGITI.

Pagpapakita ng kasiyahan.

Minsan, ito na lang ang tangi mong nagagawa,
kahit sobrang sakit na.
Magkukunwaring masaya at tuwang-tuwa,
kasi ayaw mo siyang mawala at magsawa.

Yung tipong ikaw na lang ang lumalaban,
sa pinangako niyang pag-iibigan.
Yung ikaw na lang yung nagtitiis,
Ngumingiti sa kabila ng pait at hinagpis.

------------------------------------------

RESPETO.

Pagpapakita ng paggalang.

Ngunit kapag hindi mo kayang magbigay nito,
Wala kang karapatang humingi ng respeto.
Kung gusto mong igalang ka ng tao,
Magpakita ka ng kabutihan sa mundo.

-----------------------------------

PADER.

Kunkretong bahagi ng isang gusali.

Ang tanging masasandalan mo,
kapag tinalikuran ka ng mga tao;
mga taong inakala mong totoo,
sa umpisa lang pala may pagmamahal sayo.


________________________________

Marcelo Santos III

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HUGOTWhere stories live. Discover now