DISYEMBRE.
Huling buwan ng taon.
Ang tagal na rin pala....
Mula noong sinabi mong ayaw mo na.
Kaya malungkot ako ngayong Disyembre,
Di parin kasi kita nalilimutan, syempre.Hanggang kailan kaya ako maghihintay...
Na lahat ng sakit ay mawala't mamatay?
Kailan kaya ako magigising...
Sa katotohanang hindi mo na ako kayang mahalin?------------------------------
PAHINGA.
Ginagawa kapag pagod ka na.
Ikaw, kailan mo balak magpahinga?
Sa mga taong pinagmukha kang tanga?
Sa mga taong puro salita,wala namang nagawa?
Sa mga taong sinungaling, manloloko
at walang isang salita?-----------------------------------------
SOBRA.
Higit pa sa nararapat.
Masakit ang basta na lang iwanan.
Lalo na kung alam mo namang hindi ka nagkulang.
Sobra-sobra nga ang iyong pagmamahal,
kaya sobra-sobra rin ang sakit na sa iyo'y iniwan.________________________________
Marcelo Santos III