Monday ngayon. Nasa school ako , hay nako katamad pumasok talaga pero kailangan eh para sa future natin. Tsaka kaya kong tiisin lahat para sa pamilya ko tsaka nandito din naman friends ko so hindi masyadong boring. Nasa middle of discussion kami ng may napansin akong papel na nakaipit sa libro ko. Pero binasa ko yung papel nang matapos na ang lecture ng prof namin.
"Dear Artemis, I love the way you smile and it makes my day complete. I like you. Please meet me at the guard house at 3:00 pm"
Hay nako nakatanggap na naman ako ng sulat galing sa unknown person.
Hi! Ako nga pala si Artemis Fe Ho Montego. Middle name ko po yung "Ho" Japanese po kasi lolo ko. Pero tawag sakin ng mga close friends ko ay "Frey". Alam ko medyo malayo sa real name ko yung nickname ko haha hindi ko narin maala kung baket nagging Frey eh. Im an average girl. Hindi masyadong matalino pero nagsisikap sa pag-aaral. Kailangan eh ayaw ko ma disappoint family ko. Di din naman kami masyadong mayaman may kaya lng kami sa buhay, dalawa lng kaming anak. May kuya ako pangalan niya ay Jacob. Close na close kami nang Kuya ko kahit 5 years gap namin. Dad ko naman ay isang OFW nag tratrabaho sa ibang bansa bilang seaman. Mom ko naman ay isang housewife at siya rin namamahala sa mga business namin.
"Hi Frey! --- Ow? Nakatanggap ka na naman ng sulat galing sa mga secret admirers mo? Try mo kayang mag entertain sa kahit isa sa kanila lng" pabirong sabi ni Mackenzie.
Alam kasi ni Kenz na madalas ako makatanggap na letters (Haba ng hair haha) pero kahit isa sa mga letter wala akong pinuntahan lahat binaliwala ko. Yung mga sulat galing sa ibat ibang lalaki pero yung iba naman galing sa iisang tao kasi parehas lng ng penmanship eh.
Si Mackenzie nga pala ay best friend ko magkaibigan na kami simula nung grade six pa kami hanggang ngayon college students na kami. Kilala ko na siya since grade 3 kami pero nung grade 6 pa kami nagkaklase dun lng talaga naming nakilala yung isat isa.
Hindi masyadong maganda unang pag uusap namin. Tahimik lng ako sa upuan ko nagbabasa ng novel (mahilig talaga ako magbasa ng novel) nilapitan ba naman ako ni Kenz sabay sabi baket daw ako nagbabasa eh di ko naman naiintindihan yung novel sabay nag smirk siya tapos umalis agad.
Syempre naman nahurt ako ikaw kaya ganonin. Pero nag smile lng ako sa kanya. Tapos may one time na kumanta ako sa upuan ko hindi naman masyadong malakas yung ako lng makakarinig tsaka kung may tatabi sakin. Tapos bigla akong nagulat nang tabihan ako ni Kenz at sinabayan ako sa pagkanta. Doon na nagsimula friendship naman. Best bonding talaga namin mag bestfriend ay kumanta at makinig sa kanta na magkasama.
"Ano ka? Hindi naman ako entertainer para mag entertain sa kanila. Tsaka kung may gusto talaga sila sakin at may magandang intension sakin dapat magpakilala sila in person" sagot ko kay Kenz
"Bahala ka nga dyan. Sigi ka tatanda kang dalaga sa ginagawa mo" sabi ni Kenz
"Agad agad Kenz? Tatandang dalaga eh bata pa naman ako eh. Tsaka darating din ako sa love na yan. Alam mo bang "True love waits" " sabi ko
"Hay bahala ka nga talaga diyan. Sigi punta na ako sa klase ko ha. Bye Frey!"
At dun pumunta na si Kenz sa klase niya. Iba kasi kami ng course eh. Natapos din ang pasok ko. Umuwi na ako agad kasi every Monday gabi natatapos klase ni Kenz kaya nauna na ako. Nasa bahay na ako. Kasama ko sa bahay ay si Mom at Manang Shi , katulong naming. Pero ngayon nandito si kuya nag s-skype sila ng girlfriend nya. Lond distance relationship sila ni Ate Marlee nasa Qatar si Ate trabaho niya dun ay Assistant editor. Onga pala si kuya madalas 10 pm umuuwi galing sa work nya. Trabaho niya ay Branch manager ng isang bank. Umuwi lng sya ng maaga ngayon kasi monthsary nila ni Ate Marlee ang sweet noh? Dati sa Pillipinas lng naman nag tratrabaho si Ate Marlee pero na promote sya kaya nasa Qatar na siya. Sa una ayaw pumayag ni Kuya kasi nga mag kakalayo sila pero pinaintindi naman ni Ate Marlee sa kanya na kailagan niya tanggapin yung promotion kaya yun pumayag si Kuya. Everyday sila nag s-skype nag kakamustahan at nakikita ko talaga na they are deeply inlove with each other and proves that distance doesn't matter as long as the heart is together. Sino ba naman hindi maiinlove sa kuya kong gwapo , sweet , gentleman , matino etc. Sus kung ako lng naman si Ate Marlee hindi ko na papakawalan si Kuya Jacob. Nagmano na ako kay Mama tapos nag Hi ako kay Manang Shi at kay Kuya Jacob. Tapos umakyat papunta sa kwarto ko. Nag shower ako tapos nag bihis tapos nag pangiha.
Nang tumunog cellphone ko.
Text Message
From: Mackenzie_bff
"Frey, jogging naman tayo bukas. Im broken. 4:30 am Susunduin kita. Sigi na please!!! lab you!"
Tignan mo nga naman bsta kaibigan wala ng greetings direct to the point agad. Ganyan talaga eh bsta close na ayo.
"Sigi hindi kita matanggihan eh. Bsta tell me the details okay?" reply ko naman sa kanya.
Text Message
From Mackenzie_bff
"You're the best talaga Frey! Syempre naman see you tomorrow! :* Good Night tulog na ako. Ikaw rin maaga pa tayo bukas :* love you :* "
Tapos nireplyan ko din ng good night si Kenz. Si Kenz kasi mahilig talaga mag work out lalo nap ag may free time siya. Kaya nga I envy her curves. Pero pag nagyaya siya mag jogging malungkot siya. Kasi everytime na broken hearted siya dinadaan niya sa pagpapawis para makarecover siya agad tapos bi-ni-busy nya sarili niya para makalimutan yung sakit. Saludo nga ako eh kasi hindi siya katulad ng ibang babae dyan na kung heart broken ay iiyak , magkukulong sa kwarto at di kumakaen. Medyo excited na ako bukas gusto ko kasi marinig kung baket sya broken eh. Gusto ko I comfort best friend ko.
Tinawag ako ni Manang Shi para kumaen sabay sabay kaming kumaen tapos nagpaalam nadin ako kay Mom na mag jojoging kami ni Kenz bukas. Pumayag naman si Mom bsta mag iingat lng daw kami. Naghugas ako ng pinggan tapos pumunta na ako sa kwarto ko para mag review. Pagkatapos ko mag review nagdasal ako tapos natulog na ako.
(A/N) Salamat sa pagbasa guys. Siguro medyo boring pa kasi Chapter 1 pa hihi. Relax lng kayo promise magiging interesting to. Tiwala lng haha. Sana patuloy niyo parin basahin story ko please haha. Yung Chapter 2 ay tungkol sa jogging ni Mackenzie at Artemis. Love you!!!
BINABASA MO ANG
Today, I fall inlove
RomanceLove comes to you in unexpected time. Just read the prologue po :) Please read! :) HAHA nagmamakaawa po ako XD This is my first ever story.