Chapter Three: Thea
"We'll send you into your assigned building dahil kanina pa sumama ang pakiramdam ni Mc. Baka kung anong mangyari habang nasa raan kayo," sambit ni Prem na katabi ko ngayon.
Bumitaw na ako mula sa pagkakahawak sa kanya dahil siya ang pumalit kay Avril. Medyo naging okay na ako no'ng lumabas kami ng principal's office.
I just find it weird kasi bakit parang ako lang ang nakakaramdam ng gan'to? Ramdam ko 'yung dehydration pero hindi naman ako nauuhaw or nagcrcrave ng tubig. 'Yung pakiramdam na pagod na pagod ako samantalang sanay ako sa pagod, na kaya kong magtatakbo ng ilang kilometro para magtago sa demonyong hinahabol ako ng itak maisalba lang ang buhay ko.
Nakakainis. Hindi ako 'to. Pakiramdam ko magkakasakit ako kahit hindi naman ako sakitin. Minsan nga lang akong naidala sa hospital dahil sa lagnat at hindi rin naman ako nagtagal ng isang araw sa sakit na 'yon.
Isa pang napansin ko, 'yung tingin nila sa'kin, ibang-iba. Hindi ko maipaliwanag. Ang dami kong interpretation sa ngisi at talim ng titig sa'king no'ng matandang lalaki at ng principal.
Hindi naman siguro ako ipinadala rito para sa isang mission, right? Kasi choice ko rin namang maging exchange student para makasama ang mga kaibigan ko at para makalaya mula sa TDHU.
"Hay nako! Huwag na Prem. Okay na ako," sabi ko at niyakap ang sarili dahil ramdam ko ngayon ang panlalamig.
Okay naman na talaga ako. Sadyang napaka-weird lang no'ng principal.
"Sure ka?" tanong ni Zed. "Pero sigurado akong hindi magiging okay si Prem kapag hindi ka naihatid at kapag—aww! Dude! Damn!" Daing niya habang tumatawa dahil hinampas ni Prem ang tiyan niya.
Nakikantyaw rin ang iba pero sandali lang dahil siguradong pagod na rin sila at gustong magpahinga.
"Just leave. Magpahinga na kayo at gusto na rin naming magpahinga. Sigurado namang pagod na rin kayo at kaya na namin ang mga sarili namin," pagpupumilit ko at wala na rin akong ganang makipag-usap. Naubos na lahat ng enerhiya sa katawan ko.
Napaiwas ako nang magtama ang mata namin ni Prem. Kita ko ang kagustuhan sa mata niya na ihatid kami.
"Go. We're not kids anymore," panunulak ni Mori kay Edward.
Nagbuntong-hininga ito.
Nauna nang naglakad si Ed at sumunod ang tatlo kaso dumiretso sila ng lakad instead na liliko dapat sila pa-kanan dahil duon 'yung daan papuntang building D. May arrow sign na nakalagay at nakasulat ang building D. Ang daan papuntang building C is dire-diretso lang.
"Hoy! Kayong mga lalaki, hindi talaga kayo marunong makinig? Kaya walang babaeng nagtatagal sa inyo!" untag ni Avril at iiling-iling na nilapitan sila.
Bagsak na bagsak na ang balikat niya at siguradong sasabog na 'yan kapag nagpumilit pa ang mga 'to. Akala mo naman kasi may mangyayaring masama sa'min, jusko! Sa TDHU nga naka-survive kami ng dalawang taon, dito pa kaya?
Imposible rin naman kasing tulad din 'to ng TDHU. Imposible talaga. Siguro ay isa lang itong normal na university na may creepy principal at lumang mga gusali.
"Ihahatid na namin kayo para naman alam namin kung saan ang kwarto niyo," sambit ni Ed.
Pipikit-pikit na tumango si Zed habang humihikab na si Gil. Si Prem naman ay nakatingin sa'kin at inaantay na sumang-ayon ako.
Gaano ba talaga katigas ang ulo ng mga lalaki? Ang sakit nila sa ulo.
"Gusto mo lang makasama si Mori, e! Nagdadahilan pa! Jusko naman! Tigil-tigil muna sa harutan, okay? Pahinga rin! May bukas pa, tol!" sagot ni Avril at tinulak-tulak na sila palayo pero walang umaalis sa pwesto nila.
YOU ARE READING
APHRODITE (Greek Myth Series #1)
RomanceHIGHEST RANK: #26 IN MYSTERY/THRILLER Mcroon Mihen, a living doll who happened to possess such exquisite beauty, has to join her friends as an exchange student at the Dark Sanctuary University in order to escape from a hell called The Devil's Hell U...