Twenty-One

138 7 0
                                    

Chapter Twenty-One: Aphrodite's Death

AVRIL

"Anong nangyayari?" tanong ni Zed nang pare-pareho naming mapansin ang pagkukumpulan ng Gods and Goddesses, ilang minuto lang din bago nila ianunsyong tapos na ang laro at kinakailangan na ang lahat na bumalik sa unibersidad bago pa sumapit ang gabi nang dahil sa delikado na raw sa mga oras na ito.

Sana naisip ng mga tangang 'to ang bagay na 'yan bago nila sinimulan ang larong ito. Tingnan mo ngayon, lahat sila nagkakandagulo.

Hinihintay lang namin ang pagdating ni Mc at Prem pero kahit anino ng dalawa, wala, kaya rito na kami nagsimulang kutuban. Puta.

Nasaan ang dalawa? Wala rin dito si Zeus at Artemis na kanina namang may presensya bago pa magsimula ang laro. Hindi rin naman magiging ganyan ang ekspresyon ng mga mukha nilang takot na takot kung walang masamang nangyari.

"Oh? Ano pang tinutunga niyo riyan? Bingi ba kayo?!" sigaw ni Eris nang mapansing nakatayo lang kami't walang nagbabalak kumilos.

Kahit gusto naming makisabay sa pag-pa-panic nila, nanatili pa rin kaming kalmado at naghihintay sa pagdating ng dalawa. Pero bumibilis ang kabog ng dibdib ko, hindi lang sa takot, pati na rin sa pagkainis dahil sa presensya ng putanginang Eris na 'to na talagang nilapitan pa kami. Ewan ko lang kung makapagtitimpi ako.

"Nasaan si Mcroon at si Prem?" tanong ni Mori.

"Hindi ko alam," matigas niyang sagot. "Kung hihintayin niyo sila, mas maiging sa unibersidad na kayo maghintay. Huwag niyong pairalin ang pagmamatapang niyo rito dahil wala kayong mapapala."

Napatawa ang mga kalalakihan dahil kahit sila, hindi pa rin makapaniwala kung gaanong kasiraulo ang babaeng 'to. Hindi niya alam na pinagtatawanan lang namin siya.

"Hindi kami babalik hangga't hindi namin sila kasama," matigas ko ring sabi. Dahan-dahan naman siyang humakbang palapit sa'kin kaya't pinigilan ko si Gil na balak pang humarang sa pagitan namin.

He won't be of any help dahil mas magmumukhang takot ako kay Eris kahit naman kayang-kaya ko siyang lampasuhin. Nagpipigil lang talaga ako. Hinihintay ko nga lang din na siya ang unang hahawak sa hibla ng buhok ko bago ko siya patulan.

"Ano ba sa 'delikado na sa mga oras na ito' ang hindi mo naintindihan? At iuukit ko riyan sa napakakitid mong utak."

Tulad ng inaasahan ko, mariin niya akong itinulak sa may ulo ko. Papangalawa pa sana siya nang hawakan ko na siya sa braso't pagkalakas-lakas na sinampal sa mukha. Mabilis siyang hinawakan ni Gil nang ambang susugurin na niya ako.

"Bitawan mo ako." Nagpupumiglas siya pero 'di hamak na mas malakas si Gil kumpara sa kaniya. "Mukhang hindi niyo kilala kung sinong kinakalaban niyo. Hindi ba kayo naturuan ng mabuting asal? Wala kayong respeto sa mas nakaaaangat sa inyo. Tandaan niyo, wala kayo sa teritoryo niyo," dagdag pa niya na tinaasan ko lang ng kilay.

"Matapang ka lang naman dahil may armas ka. Lumaban ka ng patas, tangina ka. Sinong hinahamon mo? Baka nga magsumbong ka pa sa nanay mo," sabi ko pa at pilit na nila akong inaawat. Hawak na nga ako ni Zed sa baywang at kahit titigan ko na ng masama, ayaw akong bitawan. Hindi ko tuloy magawang sabunutan si Eris.

"I have no mother."

Pagkasabi niya no'n, hindi ko alam kung paanong nakatakas siya mula sa pagkakahawak sa kaniya ni Gil at ngayon ay kinakaladkad na ako sa buhok. Walang nagawa ang mga kaibigan ko kun'di ang manuod nang harangan sila ng ibang Goddesses na may kutsilyong nakaambang tutusok sa mga leeg nila.

Nakalimutan kong iba ang lakas na taglay nila kaya't ganoon lang ako kadaling itapon ni Eris sa may puno. Hindi pa siya nakuntento nang tumama ang ulo ko pagkabagsak sa bato dahil sinabunutan pa niya ako paangat para lang magpantay kami.

APHRODITE (Greek Myth Series #1)Where stories live. Discover now