Chapter Four: Apollo
Magdamag kaming hindi makatulog nang dahil sa nangyari. Umaga na pero pare-pareho pa rin kaming nakahiga sa iisang kama kahit may kaniya-kaniya kaming higaan, at parehong nakatulala sa ceiling.
Baka sa isang kurap lang ng mga mata namin, kami na ang nakaratay sa sahig.
Excited na excited pa naman kaming makaalis mula sa TDHU tapos ganito lang pala ang sasalubong sa'min?! Jusko! Kung alam lang talaga namin, hindi na sana namin pang binalak na magpa-exchange students.
Nga naman, alangan namang hayaan kami ni Demon na maging malaya. Syempre, sisiguraduhin pa rin niyang hinding-hindi kami makatatakas sa kasalanan namin. Ubod talaga ng demonyo! Ni katiting nga yata na awa, wala sa kaniya.
Mabilis na bumangon si Mori kaya sabay kaming bumaling ni Avril ng tingin sa kaniya.
"This won't happen kung hindi dahil sa pagpupumilit ni Gil at Avril!" inis na sabi niya dahilan para mapabangon din kami. "Ano? Magiging malaya na tayo? Sige nga, sabihin mo sa'kin kung magagawa nating makaalis sa impyernong 'to!"
"Teka nga, Mori. Nag-suggest lang kami na magpa-exchange students tayo pero hindi ka namin pinilit na sumama, 'di ba? Anong problema mo?"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Kung gusto mong makasama si Gil, huwag mo na kaming idamay! Hindi mo pa kasi amining gusto mo siya! Tingnan mo kung anong nangyari sa'tin dahil sa pride mo!" sagot ni Mori. Kulang na lang ay hilain niya ang buhok ni Avril.
"Wow naman, Mori! Huwag mo akong itulad sa'yo na easy-to-get na babae! Isang 'I love you' lang sa'yo ni Ed, bibigay ka na?! Matapos niyang mababae nang paulit-ulit? Patatawarin mo agad? Anong katangahan 'yan?"
Napasabunot ako sa buhok dahil naririndi ako sa sigawang natatanggap ng magkabilang tenga ko. Antok na antok ako at gusto kong magpahinga! Pero pati ba naman ang katahimikan, ipinagkakait sa'kin ng dalawa.
"Ano ngayon? Inggit ka? Mahal ko siya at wala kang pakialam sa gusto kong gawin!"
"Mahal?! Talaga?" Tinabig ako sa braso ni Avril dahil nahaharangan ko silang dalawa. "Hindi 'yan pagmamahal, Mori. Sakim ka! Uhaw ka sa atensyong putangina ka!"
"Mas putangina ka rin! Hindi mo ako pinapalamon para lang murahin mo!"
"ANO BA! HINDI KAYO MANANAHIMIK?!" sigaw ko dahil nagsisimula na silang maghilaan ng buhok. "Huwag na tayong magsisihan, okay?! Nandito na tayo, wala na tayong magagawa! Sigurado namang kahit subukan din nating tumakas, hindi rin tayo makaaalis dahil babalik at babalik tayo sa impyerno! Nakalimutan niyo na ba kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon?"
Pareho silang hindi naka-imik dahil tama ako. Kasalanan din naman kasi namin, e! Si Avril, pinatay niya ang mismong tatay niya nang gahasain siya kaya imbes na makulong, ipinadala siya sa TDHU.
Ganoon din si Mori na ang ginawa ay ibugaw ang mga menor de edad na pinsan at kabataan para kumita. Lumayas kasi siya mula sa puder ng magulang niya at ni salapi, hindi niya ginustong humingi.
Ano ngayon ang napala namin dahil sa mga kasalanang nagawa namin?
"This is a Dark Sanctuary, so what's the point of arguing?"
Sabay-sabay kaming napabaling ng tingin sa may pinto sa pamilyar na boses ng babaeng nagsalita. Siya 'yung babae kagabi. Sa t'wing nakikita ko siya, kumukulo lang ang dugo ko. Nang-iinis kasi 'yung mapang-asar niyang ngiti.
"Just abide by the rules and nothing will happen. We serve our students with love, satisfaction, and happiness. Sigurado namang hindi kayo magsisising napadalaw kayo sa unibersidad na 'to."
YOU ARE READING
APHRODITE (Greek Myth Series #1)
RomanceHIGHEST RANK: #26 IN MYSTERY/THRILLER Mcroon Mihen, a living doll who happened to possess such exquisite beauty, has to join her friends as an exchange student at the Dark Sanctuary University in order to escape from a hell called The Devil's Hell U...