Chapter Seven: Zeus
Isang segundo lang, isang segundong pagkurap ng mata'y mabilis na naka-iwas si Prem sa pagtapon ni Eris ng tinidor. Hindi siya umiwas dahil isang lalaki ang humablot sa kaniya.
"Z-zeus! Nice one!" sabi ni Eris pero bakas sa pananalita't pagkautal niya na nagulat ito sa presensya ni Zeus.
He looks normal. Maamo ang mukha niya at magulo pa ang buhok, dumagdag pa ang puting polo na nakabukas ang dalawang butones sa itaas. Kaso, 'di ko alam kung bakit nagsialisan ang ilan sa mga estudyante nang dumating siya kasama ang ilang kalalakihan.
"Long time no see, Eris. Akala ko... patay ka na," sagot naman no'ng Zeus. Umupo siya sa bakanteng upuan at nag-umpisang isubo ang pagkaing nakahilera sa lamesa.
May naaamoy akong hindi maganda sa pagitan nilang dalawa. Ito siguro ang dahilan ng paglisan ng mga estudyante. At ito na rin siguro ang tamang oras para umalis kami.
"I also thought. Akala ko nga rin, patay ka na. Hindi pa pala. Patay na patay lang pala sa'kin." Kasabay ang ngisi niya at hawi sa ilang buhok na nakaharang sa mukha.
Napalunok ako. Naglalandian ba ang dalawang 'to? Parang oo na may halong kaplastikan. Hindi ko maintindihan ang set-up ng mga taong narito. Masisiraan ka ng ulo kasi ang gulo-gulo. Hindi mo maiintindihan kung ikaw ang nasa sitwasyon ko.
Ngumisi si Zeus. "Alam mo bang pinatay na kita sa isip ko? Pa-ulit-ulit." Mariin niyang tinitigan sa mata si Eris bago muling abalahin ang sarili sa pagsubo ng pagkain.
Sunod-sunod ang salitan nila ng mga walang kwentang bagay na para bang wala kami rito. Kahit si Athena, tumahimik at pinanuod lang silang dalawa.
Sobrang naiirita na kami sa dalawang 'to. Nakakasawang panoorin yung kaplastikan nilang dalawa.
Aalis na sana kami pero pinigilan kami ni Eris! Ano ba?! Late na kami sa klase namin! Hindi na nga kami nakakain dahil sa mga letseng taong 'to na ibang klase ang mga pangalan na maluluwag ang turnilyo sa utak. Akala mo Gods and Goddesses pero wala namang mga kapangyarihan. Tsk!
"Hep! At saan naman kayo sa tingin niyo pupunta? Did I allow you na umalis? Hindi 'di ba?" tanong ni Eris.
"Pu—" Sasagot na sana si Avril pero pinigilan siya ni Athena. Isa pa 'tong babae na 'to, e! Akala mo bagay yung pangalan, hindi naman! Psh!
"At sasagot ka pa!"
"Oh? So saan ba dapat kami lumugar ha?! Tatanong-tanungin niyo kami kung saan kami pupunta at kung sasagot naman kami, magagalit kayo? Wow! Iba na talaga ang mundo!" sagot ko.
Hindi ko talaga kayang pigilan 'yung bibig ko at hindi ko na kayang magtimpi lalo na sa mga taong tulad nila na walang kwentang kausap! Lahat ng bagay gagawing big deal. Nakakairita!
"Tama—" napatigil yung Zeus sa pagsasalita at tumitig sa mukha ko. Tinititigan niya ako at kinukumpiska ang mukha ko.
Dahan-dahan siyang lumalapit sa'kin hanggang sa 2 inches na lang yung layo ng mukha namin. Napaatras ako pero wala na akong maaatrasan dahil lamesa na ang nasa likuran ko at naka-bend na ang likuran ko para lang magkalayo ang mukha namin pero mas lalo pa itong lumalapit at na-we-weirduhan na ako sa kaniya.
Hindi na ako nag-dalawang isip pa at tinuhod ko siya sa maselang bahagi ng katawan niya.
"F*CK! SH*T! SH*T!!!"
Sumisigaw siya dahil sa sakit habang nakahawak sa pagkalalaki niya at sinasabayan niya ito ng pagtalon.
"Pfft!"
YOU ARE READING
APHRODITE (Greek Myth Series #1)
RomanceHIGHEST RANK: #26 IN MYSTERY/THRILLER Mcroon Mihen, a living doll who happened to possess such exquisite beauty, has to join her friends as an exchange student at the Dark Sanctuary University in order to escape from a hell called The Devil's Hell U...