Chapter Fourteen: Kiss
Gustong-gusto ko nang lamunin ng lupa. O di kaya naman may spaceship ng alien ang dumating tapos kunin ako, gano'n. Kakainis kasi, e! Hindi ba nga, may usapan kami—ay hindi—nagdesisyon si Zeus na magkita kami ng 8 pm kapalit 'yong diary. Syempre wala akong magagawa at baka ibigay niya 'yon sa kung sino sa mga kaibigan ko. Magkakantyawan nanaman ang mga 'yon.
Heto ako ngayon, walang ideya sa kung anong meron. Nakaupo ako sa tapat ng bilog na mesa. May kandila sa gitna tapos may masasarap na pagkain pang nakahanda. Iisipin ko na sanang baka type ako ng lalaking 'to kasi nabanggit ni Zed—kalalaking tao pero tsismoso—na lahat daw pala ng Thea ay ex niya.
So, in short, babaero 'tong si Zeus. Pero hindi 'yung klase ng babaero tulad ni Gil at Ed kasi unang tingin, hindi naman halata kay Zeus. Sa ganda kong 'to? Edi sana una pa lang, nilandi na niya ako. Samantalang pinahiya pa nga niya ako no'ng madaplisan ako ng kabayo niya.
Nagmukha tuloy akong third wheel ngayon dahil hindi lang si Zeus ang kasama ko. Narito rin si Artemis. Hindi ko alam kung pa'nong nangyaring napa-upo ako ni Zeus dito.
"Let's eat," si Artemis na sa wakas ay nagkaruon ng lakas ng loob na basagin ang katahimikan.
Siguro, hinihintay pa niyang magproseso sa utak kung anong nangyayari. Kahit naman 'di magtanong, halata sa blankong ekspresyon ng mukha niya na nababalot siya ng kuryosidad. Kaya naiilang ako kasi parang ayaw niya sa presensya ko, ngayon, na mukhang nakaistorbo pa ako.
Madali akong makaramdam at nasasaktan ako kapag feeling ko ayaw sa'kin ng isang tao kahit wala naman akong masamang ginagawa. Kahit anong daldal ko, titikom talaga 'yong bibig ko. Hindi ko naman kasi pinagpipilitan 'yong sarili ko sa mga taong ayaw sa'kin.
"I heard you're from The Devil's Hell University. Kung alam ko lang, hindi sana kita trinato nang hindi naaayon sa kagustuhan mo," litanya ni Zeus pagkatapos sumubo ng pagkain.
Gusto ko sanang umismid at umirap tapos sabihing kahit sinong tao, walang may deserve na matrato nang gano'n. Patapon ng ugali! Bastos!
Pinipigilan ko lang talaga na lumabas 'yan sa bibig ko dahil nahihiya ako sa harapan ni Artemis. Baka nga matulad pa ako kay Eris at Athena dahil halata ko talagang may gusto siya kay Zeus. Sa tingin pa lang. At babae ako kaya alam ko dahil ganyan din ako kay Prem.
"I talked to Eris and Athena to stop bothering them. Pero walang kasiguraduhan kung titigil sila. Alam mo naman kung anong nangyayari kapag magkasama ang dalawa."
Bawat kilos talaga ni Artemis, napakahinhin. Natatakot tuloy akong hawakan siya kung sakali. Baka mabasag agad.
"Kinausap mo muna sana dapat ako bago ka magdesisyong kausapin sila. Hindi ka ba nila sinaktan?" nag-aalalang tanong ni Zeus.
"Even if they wanted to, they couldn't. If it's not you, baka si Mama na ang makalaban nila. Kaya hangga't sa kaya ko silang intindihin, gagawin ko. Mahirap kalabanin si Mama." Saka siya mahinhing tumawa.
An: Mama (Pronounced as ma-ma/ma-muh)
Pinanunuod ko lang siya. Ang ganda niya tapos mabait, siguro. Hindi ko pa naman siya masyadong kilala. Pero feeling ko naman, gusto siya ng lahat. Maliban nga lang do'n sa dalawa na inggit na inggit sa kaniya.
Natigil ako sa pagtitig kay Artemis nang dumapo ang mata ni Zeus sa'kin. Naghihiwa siya ng karne tapos bigla niyang nilagay sa plato ko. E hindi ako kumakain kaya tiningnan niya ako na parang sinasabing kumain na ako. Mas nailang nanaman ako kasi tumigil 'yong planong pagsubo ni Artemis.
"Why don't you try to make her a part of Thea? She has beauty. Let's call her Aphrodite. Para tigil-tigilan na rin sila ni Eris. Kahit isang buwan lang," sabi ni Zeus nang ibalik ang tingin kay Artemis na umarte na parang walang nakaagaw sa atensyon niya.
YOU ARE READING
APHRODITE (Greek Myth Series #1)
RomanceHIGHEST RANK: #26 IN MYSTERY/THRILLER Mcroon Mihen, a living doll who happened to possess such exquisite beauty, has to join her friends as an exchange student at the Dark Sanctuary University in order to escape from a hell called The Devil's Hell U...