Thirteen

537 35 1
                                        

Chapter Thirteen: At 8pm

Mababait naman pala ang mga estudyante rito pero sabi nila, kapag nasa paligid ang Gods and Goddesses, hindi pwedeng magkaroon ng ugnayan sa pagitan ng mga lalaki't babae. Sabi pa nila, dahil magkakagalit ang mga Theos at Thea ay nasa batas na bawal ang magkarelasyon sa pagitan ng lalaki't babae kaya palihim lang silang nagkikita-kita.

Bakit sila magkakagalit? Gusto ko sanang malaman pero hindi ko rin gugustuhing magkaruon ng interes sa mga tao rito.

Sa una lang nakakatakot. Pero tulad lang din namin sila. Nasa gitna sila ng normal at hindi normal na tao. At sa tingin ko, wala namang patayang nagaganap dito. Ang lalakas ng loob humawak ng espada pero hindi nila kayang kumitil ng buhay. Nagpapataasan lang sila ng pride. Nagpapagalingan.

Siguradong kapag napadpad sila sa TDHU, pare-parehong uurong ang mga dila at guguho pa ang mga mundo nila. Makasalubong lang nila si Demon Lewisham, tiyak na manginginig sila sa takot. Mawawala ang mga tapang sa mukha lalo na 'yang Athena at Eris.

Naramdaman kong may gumulo sa buhok ko habang nakasubsob ang mukha ko sa armchair. "Kawawang Mcroon. Baka bukas, hindi ka na sikatan pa ng araw."

Naramdaman ko ang paggalaw ng upuan sa kaliwa ko kaya napatingin ako ruon sa pag-aakalang si Gil ang umupo, pero bumungad sa harapan ko si Prem. Nagtitigan kami ng ilang segundo bago ilipat kay Gil ang tingin na nakatayo sa harapan ko.

"Umalis-alis ka sa harapan ko. Baka hindi pa lumulubog ang araw, tigok ka na." Umayos na ako ng upo dahil naistorbo ang pagtulog ko. Inayos ko na lang ang buhok kong hinaharangan ang mukha ko.

"May regla ka ba? Kaka-regla mo lang noong nakaraang buwan, ah?"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil umagang-umaga, sinisira niya ang araw ko. Hello? Hindi ako si Avril para abalahin niya!

"Oo! At itatapal ko 'tong napkin sa pagmumukha mo!" mahinang sigaw ko at nakahihiya kung marinig ng ibang kaklase namin ang kadugyutang lumalabas sa bibig ko.

Tinawanan lang niya ako.

"Hindi na ako magtataka kung paiba-iba rin ang ugali ni Mc. Minsan anghel, minsan kulang na lang sumpain ka. That's the talent of girls!" Saka ngumising aso ang animal na Ed.

Nakapatong ang ulo ni Mori sa balikat ni Ed kaya siguradong kung gising 'yan, kanina pa nasapak ang lalaking 'to. Si Avril, abalang kumokopya ng notes sa kaklase namin dahil magpapa-recitation daw 'yung kalbong teacher namin. Kaya siguro hindi siya kinukulit ni Gil at ako ang naisip nilang pagtripan.

Mainit lang talaga ang ulo ko ngayon. Hindi ko alam! Simula kasi nang nangyari kagabi, nakaabala pa tuloy ako. Engaged 'yong lalaki at dapat uuwi siya kahapon dahil malapit na ang kasal nila. Galit nga ata siya sa'kin. Hindi ko naman kasi ginustong mangyari 'yon!

Ayos naman 'yong ugali niya noong una, ah?! Pero sinupladuhan ako tapos kung anu-anong sinasabi! Na kesyo baka nagpapapansin lang kuno ako?! Duh?! Akala niya naman napakagwapo niya! Napakayabang!

"Ayos ka na ba? Hindi—"

Sa sobrang lutang ko, may kumalabit sa'kin at sa pag-aakalang si Gil nanaman 'yon, hinawakan ko na siya sa kamay at pina-ikot 'yon.

"Aray!" daing nito.

"P-prem?!"

Nabitawan ko ang kamay niya pero kinuha ko rin agad at hinipan 'yon. Hindi ko rin alam kung ba't ko hinihipan pero tiyak na nasaktan siya! Hayst! Kainis kasi 'yong lalaking 'yon!

"Hala! Sorry, Prem. Masakit ba?" nag-aalalang tanong ko habang hinihipan pa rin.

Ilalapit ko na sana ang labi ko sa kamay niya para halikan, baka sakaling mawala 'yong sakit pero napatulala ako. May biglang sumagi sa isip ko na para bang nangyari na ang eksenang 'to. Sinusubukan kong alalahanin kung sa panagip ko pero parang hindi. Hindi ko magawang maalala.

APHRODITE (Greek Myth Series #1)Where stories live. Discover now