•Chapter 38•
Mae's POV
Nandito na ako sa swimming pool na pangbata at hinihintay ko nalang si Daehwi. Gusto raw niyang makipagkita eh, mukhang paninindigan niya na yung liligawan niya ako araw-araw.
"Oh Daehwi nandito ka na pala" sabi ko at tumayo na, nakalublob kasi kanina sa tubig yung paa ko.
Nagtaka ako ng hindi sumagot si Daehwi sa halip ay sinunggaban niya ako ng halik. Teka? Hindi si Daehwi 'to!. Ala sais palang kasi kaya medyo madilim pa at hindi ko naaninag ng maayos kung si Daehwi ba talaga 'to oh ano. Tinignan ko kung sino yung lalaki
"S-samuel?!" gulat na tanong ko, hindi siya sumagot at hinalikan lang ulit ako. Nagpupumiglas ako pero hindi ko kaya dahil mas malakas siya.
"S-samuel ano ba?!" naiiyak kong sabi. Napansin naman niyang naiiyak na ako kaya bigla siyang nanlambot. Sinampal ko siya bigla.
"Samuel?! Para saan yon?!" galit na galit kong sabi habang naiyak. Lalapitan niya sana ako at yayakapin pero lumayo ako.
"S-sorry Mae n-nagawa ko lang 'yon d-dahil mahal kita, Mahal kita Mae" sabi niya. Naiiyak ko siyang tinignan. Lalapitan niya sana ako pero nagulat nalang ako nang bigla siyang bumulagta. Sinapak pala siya ni Daehwi mula sa likuran ko.
Nang makita ako ni Daehwi ay niyakap niya ako at hinalikan sa tuktok ng ulo. Niyakap ko siya pabalik at umiyak.
"Ok ka lang ba? Pasensiya na nahuli ako" sabi niya habang hinihimas yung likod ko, pinunasan niya rin yung mga luha ko.
[◇ dalawa likod mo beh]
"Oo sige pakuha nalang siya dito" sabi ni Daehwi habang may kausap sa phone, tinignan ko naman siya at nginitian niya ako.
"Ano yun?" tanong ko habang pinupunasan yung mga luhang natira.
"Ah pinakuha ko kanila Daniel hyung si Samuel" sabi niya habang nakatingin kay Samuel. Tumango naman ako. Maya-maya lang ay dumating na si Daniel oppa kasama si Kuya Seongwoo.
Nagtanong sila kung anong nangyari, inexplain ko naman sa kanila ang nangyari. Lalong nagalit si Daehwi nang malaman niya yung buong pangyayari. Galit na galit naman si Kuya Seongwoo habang si Daniel oppa ay dismayado.
Dinala na nila si Samuel na kasalukuyang tulog, napalakas ata yung suntok ni Daehwi. Nang kami nalang ang natira ni Daehwi ay umupo na kami. Nakalublob yung paa naming dalawa sa tubig, nakapatong yung ulo ko sa balikat niya habang yubg kamay niya ay nakaakbay sa akin.
"Pasensiya ka na Mae, kung hindi sana ako nahuli hindi mangyayari 'yun" sabi niya.
"Ayos lang, nangyari na eh" sabi ko. Nagtaka naman ako ng punasan niya yung labi ko, medyo madiin siya magpunas ah medyo masakit.
"Aray naman Daehwi" sabi ko.
"Binubura ko lang yung bakas ng labi ni Samuel sa labi mo" sabi niya.
"Eh bakit hindi labi mo ang ipangbura mo?" nang-aasar na sabi ko habang nataas-baba yung kilay ko. Mahina niyang pinitik yung noo ko.
"Loko" sabi niya "kung pwede lang sana eh pero nirerespeto kita" dagdag pa niya dahilan para mamula ako.
"Kilig ka naman pero alam mo ba nung natutulog ka kagabi doon sa dulo ng resort nila Justin, hinalikan kita pero yung peck lang" pag-amin niya kaya hinampas-hampas ko siya.
"Malulungkot sana ako kasi hindi na ako yung first kiss mo pero naalala ko yung ginawa ko ahaha" sabi niya kaya napatawa ako.
"Ewan ko sayo Daehwi Lee" sabi ko.
"Bakit Mae Lee?" sabi niya.
"Bakit Lee?! Apolinaria ako!"
"Sus eh magiging Mrs. Lee ka na rin naman" sabi niya.
"Hindi pa tayo pabor sa mga magulang natin"
"Pabor ka na kay mama at papa noh!"
"Paano?"
"Lagi kitang kinukwento sa kanila at nung pinaalam kong tayo na ay tuwang tuwa sila"
"....."
"Kilig ka na naman Mae ko 'no? Ako kaya kailan mo ipapakilala?"
"Pag-uwi na pag-uwi natin"
"Sure?"
"Sure na sure"
"MAhal KIta MAe KO"
"MAhal DIn KIta DAehwi KO"
💞 💞 💞
Lab ko po si Samuel oke? Pasensiya na sa ginawa ko sa kanya sa chapter na 'to 😂😭
BINABASA MO ANG
Vacation (COMPLETED)
Short Story(PRODUCE 101 SEASON 2) LEE DAEHWI'S FF -VACATION- Started: MAY 23, 2017 Ended: DECEMBER 6, 2017 Highest Ranked Achieved: #602 in Short Story