25

46 2 1
                                    

•Chapter 25•

Mae: beshie~

Jenny: buti naman at naisipan mong magparamdam

Mae: ayt hala siya!

Jenny: porket close ka na dun kay Daehwi at Samuel?

Jenny: naku-naku beshie!

Mae: jusko tampo na beshie ko huwag kang mag-alala pauwi na ako sa Pilipinas

Jenny: hala owemji really?!

Mae: oo naman yes huehue

Mae: sige na bye beshie alis muna ako bibili ako ng pasalubong~

Jenny: huwag mong kalimutan yung akin ah?!

Mae: oo na! Hahaha

⏪⏪🔼⏩⏩

Mae's POV

Hindi ako makapaniwalang babalik na ako sa Pilipinas, parang kailan lamg nung pumunta ako dito sa Macau. Si Ricci kasi eh masyadong pinapabilis love story namin ni Daehw bebelabs ko. Napaghahalataan yung katamaran. Charr lang Ricci huehue.

Nga pala nandito ako ngayon sa Macau Creations, dito ko kasi balak mamili ng mga pasalubong para sa mga kaibigan ko.

Ang bait ko shet

Habang namimili ay may nakabangga ko at napatumba sa sahig, lumingon ako at nakita ko si Daehwi bebelabs at si Samuel. Tuwing pupunta ako sa isang lugar ay lagi kong nakakabangga 'tong dalawang 'to. Buong stay ko dito ay lagi ko silang nakakabangga.

Akmang tutulungan na sana ako ni Samuel pero tinabig ni Daehwi yung kamay niya.

"Tigil Samuel! Magiging madumi ang kamay mo" mataray na saad ni Daehwi sabay tingin sa akin. Nagulat ako ng ilahad niya yung kamay niya.

"Anong gagawin ko diyan?" tanong ko.

"Try mong kainin duh hindi ba halata? Tinutulunga kita Pabo!" sabi ni Daehwi kaya napangiti naman ako at hinawakan ang kamay niya.

"Eww pasmado" sabi ni Daehwi.

"Oy hindi kaya!" sabi ko.

"Pasmado ka eww"

"Hindi nga kasiiii"

"Ehem... Ehem..." Natigil kaming dalawa ni Daehwi nang magpekeng ubo si Samuel.

"Andito pa ako ehem" sabi ni Samuel.

"Panget mo kasi" pang-aasar ni Daehwi.

"Kung panget ako ano ka pa?" pang-aasar din ni Samuel.

Nag-asaran na yung dalawa habang ako naman ay nakangiti lang habang pinapanood sila. Nga pala napalapit na ako sa dalawang 'to. Oo pati si Daehwi hihi keleg keleg.

"Tumigil na nga kayo dalawa hahaha" natatawang saad ko sa kanila. Tumigil naman sila.

"K" sabi ni Daehwi.

"Nga pala Mae, gusto mo sabay-sabay na tayong tatlo mamili dito?"

Daehwi's POV

"Nga pala Mae, gusto mo sabay-sabay na tayong tatlo mamili dito?" aya ni Samuel kay Mae.

"Sige!" nakangiting sabi ni Mae. Cute talaga ng babaeng to pero mas cute ako duh.

Habang naglilibot kaming tatlo ay lumapit ako kay Mae at sa hindi malamang dahilan ay bigla kong hinawakan ang kamay niya.

Halata namang nagulat siya doon sa ginawa ko.

" D-daehwi?"

"Oh?" mataray na tanong ko. Tumingin siya sa kamay naming dalawa bilang tugon.

"Gusto kong hawakan kamay mo duh" sabi ko. Shookt hindi ko talaga alam mga pinagsasasabi ko.

"Landi mo Daehwi" walang emosyong sabi ni Samuel. Lul selos ka lang eh.

Nagmili lang kami ng namili hanggang sa napag-isipan na naming umuwi.

💞💞💞

corny 😝

Vacation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon