•Chapter 36•
Mae's POV
"D-daehwi?" naguguluhan kong tanong. Hindi siya sumagot sa halip ay tinignan niya lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Saan mo ko dadalhin?" tanong ko ulit pero ganun parin.
Nagulat ako ng huminto kami. Napalingon-lingon ako sa paligid at mukhang nasa dulo na kami ng resort nila Justin.
"Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko. Lumingon-lingon din siya sa paligid.
"Hala ewan ko nasaan ba tayo?" sabi niya napasapo naman ako sa ulo ko.
"Bakit mo ba kasi ako hinila?" tanong ko.
"Eh kasi ano..." pagsisimula niya naupo sa isang bato, sumunod naman ako sa kanya. "kasi ayokong makitang lumalapit sayo si Samuel" sabi niya, naguguluhan ko naman siyang tinignan.
"A-anonh ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan" sabi ko.
"Kahit ako, hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko para sayo" sabi niya na lalong nagpagulo sa isipan ko. Hindi ko siya sinagot sa halip ay nakinig lang ako sa kanya.
"Nasa Macau palang tayo nararamdaman ko na 'to"
"Yung biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko tuwing nakikita kita"
"Palihim akong napapangiti kapag kinukulit mo ako"
"Naiinis ako kapag ang sweet sweet niyo ni Samuel"
"Ayokong may kasama kang ibang lalaki bukod sa akin"
"Mae aissh paano ko ba 'to sasabihin?"
"Ano Mae gusto na kita ay mali Mahal na kita" sabi niya, nanlaki naman yung mata ko.
"M-mahal din kita Daehwi" sabi ko, napangiti naman siya.
"Talaga?" tanong niya, tumango naman ako.
"Pero.." sabi ko, agad namang nawala yung ngiti sa mukhang niya at napalitan ito ng seryosong mukha.
"Mahal kita pero bata pa tayo 'di ko pa kaya marami pa tayong inaasikaso.." hindi ko na natuloy yung pagkanta ko ng sapukin ako ni Daehwi.
"Che!" sabi niya.
"Seryoso Daehwi Mahal din kita, nung nasa Macau palang tayo baliw na baliw na ako sayo" sabi ko.
"Talaga?! so tayo na" sabi niya. Napatango naman ako.
"Uy joke lang liligawan pa kita 'noh!" sabi niya.
"Sasagutin din naman kita at do'n din naman tayo pupunta" sabi ko.
"Basta liligawan parin kita araw-araw" sabi niya. Buti nalang medyo madilim dito, hindi niya makikita ang pamumula ng pisngi ko.
"Namumula ka~" sabi niya. Mali pala ako.
"Mahal kita Mae"
"Mahal din kita Daehwi"
"So paano tayo makakaalis dito?"
"Ewan ko sayo ikaw 'tong nanghila sa akin eh"
"Dito nalang muna tayo magpalipas ng gabi"
"Baka reypin mo 'ko"
"Baka ikaw pa Mang-rape sa ating dalawa"
"Ewan ko sayo Daehwi"
"Yieeeh labyu~ ihiga mo lang yung ulo mo sa balikat ko"
"Baka mangalay ka"
"Para sayo naman kaya ok lang"
"Daehwi naman eh!"
"Kilig ka na naman?"
"Ihh"
"Ang cute naman ng Mae ko.. Goodnight Mae"
"Goodnight din Daehwi"
"I love you"
"I love you too
💞 💞 💞
Hindi siya kasing ayos nung nawala 😭 pero sana nagustuhan niyo

BINABASA MO ANG
Vacation (COMPLETED)
Cerita Pendek(PRODUCE 101 SEASON 2) LEE DAEHWI'S FF -VACATION- Started: MAY 23, 2017 Ended: DECEMBER 6, 2017 Highest Ranked Achieved: #602 in Short Story