Chapter 1: First day high!

4.6K 61 6
                                    

Dedicated to stupidlyinlove :) One of the best Author na na-encounter ko! :D Isa sa mga fav. story ko is yung story nya. :D Try nyo din basahin! Mganda yun. Kasing ganda ni Author. Chos! :)

Bakit sa Chapter 1? Haha. :) Kayo na humusga. XD

---------------------------------------

( ALLIE's POV )

First Day of Class

Hay. Every year nalang lumilipat ako ng school. Nakakapagod. Naiiwan mo yung mga friends mo dun sa dati mong school. Hay, ang taas kasi ng standards nila Mommy. Gusto ako Top 1 sa class namin. Pero palagi nalang akong Top 2 . Kaya palagi akong nililipat ng school. Pag naging Top 1 ako dito. Hindi na ako lilipat ng school. Ang hihirap kasi ng mga kalaban sa class nyo eh, diba?

Anyways, I'm Allie Allyson A. Apostol. May-ari kami ng Apostol Corporations. Kaya kailangan kong maging top 1 dahil lang dyan.

Eto ito-tour ko lang mag-isa yung sarili ko. Kung saan ako dalhin ng paa ako, edi dun ako. Tatandaan ko nalang mga lugar dito.

Lakad dito, lakad doon. Hay! Nakakapagod.

*blaaaaaag!*

"Aray!" grabe naman yon, ang sakit.

May nakasanggi kasi akong lalaki na nagsa-soundtrip habang naglalakad.

Tapos yung lalaki dire-diretso lang. Hays! Nakakainis! Ang sakit kaya nung pagkabangga nya sa akin. Mga lalaki nga naman ngayon. Nabibilang mo nalang gentleman.

Pagkatapos nun hindi ko nalang pinansin yung nangyari. Ngayon, hinahanap ko na yung room ko. Room 402 yung room ko. Tapos tiningnan ko kung saan yung room ko. Pagkatingin ko 4th floor, hay nako! Ang taas ng aakyatin. Buhay nga naman.

Kailangan ng pasensya. Edi ayun, pumunta na ako sa room namin. And then umupo na ako dun sa pinakasulok ng room. Sa dulo ng room. Hay! Buti pa sila magkakakilala. OP ako. Eto ang problema kapag patay na bata ka.

Nakatingin lang ako sa pintuan ng room namin. Maingay sa loob ng room. Wala pa kasi yung Adviser namin. Tapos may nakita kong lalaki papasok ng room namin.

Omg!! Bakit sya nandito??!!!

KAKLASE KO SYA?!

Tadhana nga naman oh!! Kainis!

Tumungo nalang ako, tapos naramdaman ko nalang may naglalakad papalapit sa akin. Inangat ko yung ulo ko. Pagkatingin ko

...

Umupo sya sa tabi ko! Ano bang meron? Anong trip ne'to?

Pagkatingin ko sa mga babae lahat sila nakanganga nakatingin dun sa lalaki.

Tapos may lumapit na isang babae.

Girl : Hello Kurt!

Ah! Kurt pala pangalan mo ha! Ang ganda ganda pa naman ng pangalan ganyan ugali!

Di nya lang pinansin yung babaeng tumawag sa kanya.

"Hello Class!" sabi ni Ma'am.

"Hello Ma'am!!" Sagot naman namin.

"I'm Ms. Denise Assuncion. I will be your Class Adviser For this School year."

Ms. Assuncion? Middle name ko yun ahh? 'Di kay kamag-anak to ni Mommy? Kung ano pa yan nako, never mind!

Nagdiscuss lang si Ma'am ng mga rules and regualtions ng school. After that, nagpakilala lang kami isa isa.

After a few minutes, tumunog na yung bell. Break time na namin.

Grabe lang. Wala pa akong friend dito. Nasan ba kasi yung bestfriend ko? Alam ko kasi dito sya papasok eh.

Tinawagan ko yung bestfriend ko, at dali-dali naman nya sinagot.

"Hello?"

"Hello Besh! Nasan ka ba? 'Di ba sa Lee University ka din?"

"Yup. Nasa canteen ako. Puntahan mo nalang ako. I miss you"

"Sige! I miss you, too"

When My Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon