CHAPTER 7: Second Time

2.1K 40 1
                                    

Chapter 7

(Allie's POV)

Ang saya ko! Nakausap ko na si Ivanpot. Hindi naman siguro halata noh?

Eto ako ngayon, kasama ko pa din si Cedrick. Pagka-kausap ko kay Ivan, binalik ko na yung cellphone nya.

"Eto na ohh (sabay abot sa kanya). Sorry kung napunta sa akin yung cellphone mo. Dapat kayo magka-usap eh. Pasensya na ha? Ngayon ko nalang kasi sya nakausap eh."

"Hindi, okay lang sa akin. Basta ikaw."  sabay ngiti sa akin.

Grabehan ang mga salitaan ne'tong si Cedrick. Di ko tuloy alam sasabihin ko.

"Ha? Ahh-ehh okay, sabi mo eh. Pinapakamusta ka nga pala nya sa akin."

Di ko alam pero, parang naging akward yung atmosphere.

"Okay lang naman ako eh. Kukunin mo ba yung number nya?"

"Ahh, oo sana eh. Ayun kasi ang sabi ko sa kanya. Ayos lang ba?"

"Ahh, Ganun ba? Oh eto oh (sabay abot nung cellphone). Okay lang sa akin. Pwede ilagay mo na din number mo dyan?"

"Ah, yun ba? Sige."

"Salamat."

"Wala yun, eto naman. Oh eto na oh (sabay balik ng cellphone sa kanya). Thank you. Text ka nalang sa akin. Pakilala ka na din. Una na ako ha. Magdidilim na din kasi eh."

"Ahh, okay. Ingat ka sa pag-uwi mo."

"Sige, salamat ulit." kinawayan ko nalang sya.

Pauwi nako, naglalakad lang ako. Medyo maliwanag pa naman. Mas masarap maglakad ng mga ganitong oras, sariwa ang hangin, di masyadong mainit.

Pagliko ko sa may kanto...

Naramdaman ko nalang may sumakit sa akin.

Paglingon ko, NAKITA KO NA NAMAN SYA. Pero this time wala syang headset na nakalagay sa tainga nya.

"Aray ko!" Aba't may gana ka pang sabihin sa akin yan ha!

"Aray ka dyan."

Nakakairita ha, lagi nalang. Ano bang meron sayo?

"Eh sa masakit eh! Titingin ka din kasi sa dinadaanan mo!"

"Ha? Ako pa yun? Eh ikaw nga 'tong kanina pa nambabangga eh!"

Hay nako ah! Kumukulo dugo ko dito.

"Anong kanina pa?! Eh ngayon nga lang kita nakita."

Loko 'to ah! Sinasagad ako ne'to ha.

"Hoy! FYI lang Kuya ha, nasanggi mo din po ako kanina."

"Luh, anong pinagsasasabi mo? Wala nga akong nasanggi kanina eh."

"Talaga lang ah?! Baka ayaw mo lang aminin."

"Hoy! Hindi ah, wala nga akong alam eh!"

"Wala daw? Naka-headset ka kanina diba habang hawak yung phone mo?!"

Onti nalang talaga nakoooo.

"Ha?"

"Oh, ngayon alam mo na?"

"Naalala ko yung naka-headset ako tsaka naglalakad habang nag-cecellphone pero hindi ko alam na may nasanggiako!"

"Eh kung sapakin kaya kita no?! Umaray nga ako nun eh! Kung sabagay, di mo nga rin pala maririnig kasi nakaheadset ka."

"Ahhh, oo. Naaalala ko na, ikaw yung babaeng nalampasan ko kanina."

"Kita mo na? Sabi ko sayo eh! Second time na to, uyyyyyy."

"Oo na, sorry na po. Wag ka nang magalit, ang panget mo kapag nagagalit ka eh."

"Okay, fine. Apology accepted. Gwapo ka? Gwapo ka?"

"Oo naman! Kita mo 'to?!" sabay lapit ng mukha nya sa mukha ko.

*5seconds slow motion*

"Malamang nakikita kita, di naman ako bulag."

"Easy ka lang, alam ko namang pogi ako eh." sabay tawa.

Ibang klase din 'tong lalaking 'to eh no? Mahingin din eh. Tsk.

"Pogi?! Ayan pogi?! Niloloko mo lang ata ako eh."

"Oo naman no! FYI lang din po, maraming nagkakakandarapa sa akin nang dahil dito."

"Kadiri naman! Mga walang taste yung mga yun."

"Aba, malay ko sa kanila, di ko naman alam kung bakit patay na patay sila sa akin."

"Ewan ko sayo! Makaalis na nga dito, tumataas dugo ko sayo eh!"

"Edi umalis ka! Di naman kita pinipigilan eh!"

"Talaga no! Tsk, akala mo gwapo di naman."

Umalis na nga ako after nun. Grabe talaga ugali ng lalaking 'yon.

Ang ganda ganda na nang mood ko dahil kay Ivan eh. Sinira naman nung tukmol na yun.

Nung pauwi nako, napadaan ako sa park na lagi naming pinupuntahan ni Ivan. Sobrang miss ko na sya.

Speaking of Ivan, maitext nga.

To: Ivanpot :PP

Hello there! Allietot here! I miss you :**

Messeage Sent

After a seconds. Nagulat ako. Biglang nagvibrate yung cellphone ko pag katingin ko.

1 unread message from Ivanpot  :PP

From : Ivanpot :PP

Hello din!! I miss you, too. Ingat ka palagi ha? I'll call you later nalang . Pag hindi na ako busy.

To : Ivanpot :PP

Sige, ikaw din ha! Ingat sa mga babae.

From : Ivanpot :PP

Ikaw lang naman yung babae ko eh. Joke hahahhaaha.

To : Ivanpot :PP

Tawag ka nalang mamaya.

Tapos nun nindi na sya nagreply. Nandito na din ako sa bahay namin. Sermon na naman ang salubong sa akin ng Mommy ko.

"Bakit ngayon ka lang?!"

When My Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon