CHAPTER 6: Bestfriends

2K 44 0
                                    

Chapter 6

(Ivan's POV)

I'm Ivan Tolentino. Bestfriend ni Allietot. Bakit Allietot? Wala lang kung ano lang matawag sa kanya. Pero sa lahat ng tawag ko sa kanya ayan ang sineryoso nya.

I'm Here in California. Nag-aaral ako dito.

Naalala ko tuloy si Parekoy. Si Cedrick Gregorio. Nasa Pilipinas na sya ngayon. He took up his 2nd year high school here.

Namimiss ko na mga kalokohan namin ni Cedrick at syempre namimiss ko na din si Allietot!

Speaking of Cedrick, matawagan nga.

"Hello?"

"Hello Ivanpot!"

Wait, isa lang tumatawag sa akin ng ganito ah?

"Allietot ikaw ba yan?" sobrang namiss ko boses nya!

"Oo, I miss you!!" kahit kailan talaga 'tong bestfriend ko, napakasweet.

"I miss you, too. Bakit nasayo cellphone ni Cedrick?"

Nakakapagtaka ha.

"Magkasama kami ngayon eh. Sakto tumawag ka. Ikaw pa man din ang topic namin." baka may naikwento na si Cedrick sa kanya.

"Ah, ganon ba? Grabe! Namiss ko boses mo, super!"

"Ako din eh. Namiss ko yung malaki mong boses."

"Kahit kailan talaga! Para kang bata."

"Matanda na ako noh! Hanggang ngayon ba naman tinatawag mo pa din akong bata."

"Syempre. Mukha ka namang bata eh."

"Hindi din. Kailan ka babalik dito?"

For now, di ko muna yon masasagot kasi 'di ko pa talaga sure kung kailan.

"Hindi ko pa alam eh. Surprise nalang para masaya!"

"Sige ha! Sabi mo 'yan! Hihintayin kita!" para syang batang sobrang excited na makita ako.

"Sige sige."

"Sige. Baba mo na. Baka malaki na yung gastos mo sa load mo. Kukunin ko nalang number mo kay Cedrick tapos itetext nalang kita."

"Sige. Paki kamusta nalang ako kay Parekoy! Babye. Next time sayo ako tatawag. Kapag may time ako. Bye Allietot."

"Bye Ivanpot."

When My Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon