Chapter 8: Grounded

1.8K 36 0
                                    

Chapter 8

(Allie's POV)

"May ginawa pa po ako eh." Eto na naman tayo, kailan ba matatapos 'to?

"Anong may ginagawa?! Palagi ka nalang ganyan. May ginagawa nalang palagi!" Galit na naman sya sa akin, ewan ko ba. Parang hindi ako anak.

"Eh ayun naman po talaga eh!" Sorry, di ko na napigilan sarili ko, nakakasawa na.

"Aba! Sumasagot kana ngayon ha! At dahil dyan, 100 lang ang allowance mo ngayong linggo. Pati baon mo 100 lang sa isang linggo. Kapag hindi ka pa umuwi ng maaga, mae-extend pa yan. "

Wala na naman na akong magagawa, sinabi mo na yan eh. After all, kailangan ko pa ding sumunod. Bakit ka ba kasi ganyan sa akin? 

Hindi nalang ako nagsalita. Ang hirap kapag nagsalita pa ako. 

"Umakyat kana sa taas, bawal ka kumain ngayon ng dinner."

"Ano po?"

"Bakit? May angal ka ba?"

"Wala po..."

"Edi mabuti, umakyat kana, ayokong makita pagmumukha mo."

Tumalikod nako at naglakad na papuntang hagdan.

"Ano na naman 'to ha?!" 

Si Daddy....

"Wala, wala. Di ba Allie?" Sagot ni Mommy.

Hays, ganito nalang ba lagi... Wala akong kakampi.

"Ah, eh... opo." As usual....

"Akala ko nagbabangayan na naman kayo eh." Kailan ba hindi Dad..

Ngumiti na lang ako. 

"Allie , magbihis ka ng maayos may bisita tayo."

"Sige po."

"Bilisan mo ha? Parating na bisita natin."

Sino naman kaya 'tong bisita na 'to, baka naman bwisita 'yun.

"Opo Dad!" 

Biglang tumunog cellphone ko. May nagtext.

From : 0917******

Hi Allie!! Cedrick here!!

To : Cedrick :DD

Hello. Ahh okay. Akala ko naman kung sino na nagtext sa akin, number lang kasi eh. Sige. Save ko nalang . :)) NO TEXT BACK PLS. :)) Later na text.

After nun, Nagbihis na ako. White dress na may design na flowers. :))

"Ma'am Allie, nandito na po yung bisita. Baba na daw po kayo sabi ng Daddy mo." sabi ng Yaya namin.

"Sige po. Bababa na po."

Perfume. Suklay. Lagay ng hairclip.

Ayan, mukha na siguro akong presentable. Sana. Bababa na nga ako.

Habang pababa ako, inaayos ko pa rin sarili ko, baka may dumi or what. Pagkalingon ko sa dining area...



Wait...



Bakit sya nandito?

When My Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon